Si Kelvin Miranda pala ang unang makakatambal ng bagong Kapuso actress na si Beauty Gonzalez, na pumirma na ng contract sa GMA Network last Friday, June 11. Isang romance mini-series ang gagawin nila, titled Stories from the Heart na ididirek ni Adolf Alix Jr.
Si Kelvin ay lubos na nakilala ng netizens nang mag-partner sila ni Mikee Quintos sa successful series na The Lost Recipe. Nang matapos ang serye, humihingi ang fans nila ng part 2, pero mukhang malabo pang mangyari ngayong may sisimulan nang bagong project si Kelvin.
With this, sinabi naman ni Beauty na excited siya sa bago niyang project, na for a change bata sa kanya ang leading man niya.“I love the script, I love ‘yung flow ng story. It’s gonna be a new change and change is good. This is a new Beauty, a different Beauty. It’s the right time.”
Cassy, napaiyak sa tuwa
Naiyak sa tuwa si Cassy Legaspi nang muli siyang mag-trending sa Twitter dahil sa mahusay niyang acting sa eksena niya sa First Yaya na umiiyak siyang humingi ng tawad kay Yaya Melody (Sanya Lopez) sa matagal na itinagong lihim na siya pala ang nakabangga at ikinamatay ng ama nito.
Unang napuna ang husay ni Cassy, as Nina Acosta, sa mga naunang heavy scene, with partner JD Domagoso, na ikina-impress ng viewers. Tumanggap din ng papuri si Cassy mula sa co-stars niya sa GMA Telebabad.
Pero ang ikinaiyak ni Cassy ay nang makatanggap siya ng masigabong palakpak sa daddy niya, actor Zoren Legaspi, matapos na hindi ito sumagot sa tanong niya kung nagustuhan ba ng ama ang acting niya.
Sen. Kiko, kabisado na ang mga gusto ni Sharon
Suportado pala ni Senator Kiko Pangilinan na ituloy ng asawang si Sharon Cuneta ang Hollywood dream nito.
Nalungkot nga raw siya at ang mga anak nila nang hindi matuloy si Sharon sa Spielberg project nito, pero siguro raw ay may iba pang plan si Lord sa asawa.
Wala rin daw problema kung itutuloy ni Sharon na mag-settle down muna sa Los Angeles, California. Tamang-tama raw naman dahil malapit na ring bumalik sa US ang panganay nilang si Frankie para ituloy ang studies nito roon.
After 25 years of marriage, kabisado na nina Sen. Kiko at Sharon kung ano ang makabubuti para rin sa kanilang pamilya. Sabi nga ni Sharon noon, alam daw niyang kahit gusto niyang manirahan na sila sa USA, hindi mangyayari dahil hindi maiiwanan ng asawa ang Pilipinas.
Samantala ay tuluy-tuloy pa rin ang pagpapagawa nila ng kanilang bahay sa Cavite, na siya raw nila talagang titirahan kapag natapos na, at tatawagin nilang ‘home.’