^

Pang Movies

Panonood ng K-drama, kailangan ng konsentrasyon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Panonood ng K-drama, kailangan ng konsentrasyon

Siguro mahina rin nga ang comprehension ko. May mga pinanood kasi akong Koreanovela, na sa una kong viewing hindi ko naman masyadong na-appreciate, pero nang ulitin ko, saka ko nakita ‘yung beauty ng istorya.

O baka naman dahil subtitle ito at hindi ka masyadong maka-concentrate dahil binabasa mo habang nanonood ka kaya ganun.

Siyempre, unang pasada, parang naka-concentrate ka lang sa visuals, tapos sa second, medyo may time ka nang maging fixated sa subtitle, at sa pangatlo, doon mo talaga makukuha nang buong-buo ang visuals at audio.

Ang galing ng choice of words nila, at talagang kahit sa subtitle lang, feel mo na ang drama ng eksena.

Ang ganda pala ng message ng Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo  at Oh My Venus. Sa 2nd viewing ko siya na-feel talaga. Iyon, kahit anong obstacle sa life kaya mong lagpasan basta you believe that you can do it. Na acceptance sa anumang pangyayari sa buhay ang pinakamagaan na paraan para matanggap mo ang lahat ng nangyayari, malungkot, masaya o ano man.

Acceptance at faith are two strong virtues that will help you in life.

‘Yung basta nangyari na, huwag mo nang piliting baguhin pa, tanggapin mo na lang. Basta don’t do things you will regret later, pero kung nangyari na, tanggapin mo nang maluwag.

Ang galing din ng lesson na walang bagay na sobra sa importante para manghinayang ka ‘pag nawala. Basta nawala na, gawin mo na lang part ng memory mo, huwag mo nang panghinayangan pa.

Nothing and no one is indispensable, lahat iyan napapalitan, lahat iyan puwede mo pa ring makuha.

O ‘di bongga.

K-DRAMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with