Max, may mga baong gamit ng anak sa taping!

Nahirapan si Max Collins na iwanan ang anak nila ni Pancho Magno na si Skye Anakin nang pumasok siya sa lock-in taping ng upcoming GMA drama series na To Have and To Hold, sa Bataan.

Tamang-tama naman na bago ang lock-in taping nila, ay natapos na rin ang husband niyang si Pancho ng lock-in taping nito ng romantic-comedy series na First Yaya, kaya palagay ang loob ni Max na maiwanan ang baby boy nila na malapit nang mag-one year old sa July 6.

Sa isang interview sinabi ni Max na miss na miss na niya si baby Skye, pero napapawi ito kapag naaamoy at nayayakap niya ang ilang gamit ng anak na binaon niya sa work. Sa nalalapit na birthday ni Skye wish nila ni Pancho na matapos na ang pandemic para madala raw nila sa beach ang anak nila dahil mahilig daw ito sa tubig.

Sa To Have and To Hold, gagampanan ni Max at ni Rocco Nacino ang role na mag-asawang Dominique at Gavin Ramirez ngunit magkakaroon ng iskandalo sa kanilang pagsasama. Ipaglalaban ba nila ang kanilang pagmamahalan? Kasama rin nila sa serye si Carla Abellana na based sa released photo niya ay ibang-iba ang aura na mukhang blooming siya, malayung-malayo sa ginampanan niyang role sa katatapos na family drama na Love of My Life.

Heart, may bagong collab sa Italian luxury brand

Queen of Collaborations talaga si Kapuso actress Heart Evangelista!  Ang latest ay nang isa siya sa personalities tapped by Italian luxury brand Salvatore Ferragamo para sa latest collaboration. Noong Saturday, June 5, featured na sa brand’s Instagram page si Heart as part of its #SilkYourStyle social media campaign. May caption ito na: “Heart Evangelista is unwaveringly stylish with a classic Ferragamo foulard woven through her braid hair for a feminine flourish.  How do you style your scarf?” 

Mabilis na nagpasalamat si Heart na isinama siya ng Ferragamo sa kanilang campaign.

Samantala ay naghahanda na sina Heart at new Kapuso actor Richard Yap sa nalalapit nilang pagpasok sa lock-in ng I Left My Heart In Sorsogon sa Bicol.

Show comments