Alden at Maine, parang Boyet at Vilma

Alden at Maine

Mukha namang parehong happy sina Alden Richards at Maine Mendoza sa kasalukuyan. ‘Yung chemistry nila as a team ay hindi nawawala at magandang makita na close pa rin sila as friends at may rapport sa trabaho.

Ang cute cute ng mga tuksuhan nila at kita mo na walang ilangan at comfortable pa rin silang magkasama.

Sabi ko nga sila ang version nina Christopher de Leon at Vilma Santos na ang galing ng chemistry at kilig factor pero hindi naman real life partner.

Ganyan din sina Alden at Maine, kahit meron silang ibang partner, sa screen walang tatalo sa chemistry nilang dalawa. Up to now andun pa rin ang kilig ‘pag nagbibiruan sila at nagbabatuhan ng dialogues, kahit alam mo na pareho na silang happy sa private life nila.

Palagay ko ‘pag pinagsama mo sila sa isang project, maganda pa rin ang magiging resulta. Kaya nga malakas pa rin ang portion nila sa Eat Bulaga. Very supportive naman si Arjo Atayde at ok lang sa kanya dahil alam niya na meron pa ring fanatic fans ang dalawa.

Pinoy scriptwriters kailangan ng seminar sa mga Korean

Hirap pa rin akong maka-move on sa panonood ko ng Koreanovela ha. Gusto ko na talagang tigilan para naman ma-rehab na ako sa addiction ko, pero palagi namang hinahanap ng mga mata ko.

Talagang medyo matagal pa siguro bago ako maka-get over, kasi nga tuluy-tuloy naman ang mga bagong magagandang serye na inuumpisahan nila. Kaloka nga dahil hindi matapus-tapos ang mga sinusundan kong istorya, at marami palang Korean movie na puwedeng ma-download.

Kainis talaga lalo pa nga at parang hindi naman nila inuulit ‘yung plot, naiiba nila komporme sa artista.

Naku talagang dapat may seminar na ang mga scriptwriter natin sa writers ng Korean.

Dapat talagang makuha na nila ‘yung feel at idea ng mga ito. Para rin namang pareho tayo ng kultura kaya palagay ko madaling magiging adjustment. Basta pati sa dialogues, dapat makuha natin ang taste nila. 

Show comments