TIPMMG, parang nasa malaking network

Katuwa talaga ‘yung ika-100 episode natin, Salve. Kaloka na isang online show, may tatlong litson na dumating mula kay Susan Sy ng Regent Foods Corporation, Jude Ejercito na friend talaga ng Take it… Per Minute Me Ganun, at ni Mayor Enrico Roque ng Pandi. Bongga ‘di bah!

One small show pero akala mo big deal dahil may catering pa galing kay mama Lily Chua na BFF na rich ni Cristy Fermin.

Hay naku, ‘yung mga plastic container ni Gorgy Rula, talagang punung-puno nang umuwi siya dahil sa binalot ni Tina Roa at Japs Gersin para ulam nila sa bahay.

Talagang overwhelming ‘yung response ng viewers, ‘yung pagmamahal ng followers. Para bang isang important show ang feeling namin para sa TIPMMG kahit isang oras lang, isang beses isang linggo, major show na ito sa rami ng followers na every week nagbibigay comment.

Isa talagang malaking thank you sa lahat for making our 100 episodes so wonderful.

At siyempre sponsor namin nung Martes ang Beautederm ni Rhea Tan. 100 episodes of happiness na sana nadama rin ninyong lahat. Our deepest gratitude. Salamat po.

Kuryente at tubig, kinatatakutang sabay mawala

Kinatatakutan ngayon ‘yung balita na magkakaroon ng rotational brownout sa lahat ng lugar. Paano na iyan, sa sobrang init ngayon, tapos walang kuryente, baka sumabay pa na walang tubig, ano ang mangyayari?

Paano na ang mga bakuna na kailangan ang lamig para magtagal? Hindi lang mag-e-expire, baka masira pa? Sobra namang kamalasan iyan ‘pag nangyari.

Sana maayos bago mangyari dahil grabe iyan, sobra sa init, please lang kahit sana papaano maayos at huwag sanang sumabay na mawala din ang tubig.

Talagang ‘pag may hirap, parang hindi sapat ‘yung isa lang, may dagdag pang iba.  Naku, Salve, ha, parang gusto ko na talagang pumunta kami ni Aries sa Korea para takasan ang brownout at no water ‘pag nangyari. Kaloka talaga ang buhay, parang life, masalimuot.

Show comments