^

Pang Movies

Negi, Petite at Pipay, ‘di rin makalimutan si Vice

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Kung ang popular stand-up comedians, actors at vloggers na Beks Battalion na binubuo nina Chad Kinis (Richardson de la Cruz), MC Muah (MC Calaquian) at Lassy Marquez (Reginald Marquez) ay kasama sa mga anak-anakan ni Vice Ganda, hindi lamang pala sila ang natulungan ng Unkabogable Star dahil nabigyan din nito nang break sina Negi, Petite at Pepay among others.

Pepay is Pepe Aguilar, si Petite ay si Vincent Aycocho habang si Negi naman ay Uldario Molina, Jr. sa tunay na buhay. Ang tatlo ay naging magkakaibigan at naging close nung sila’y pare-pareho pang stand-up comedians na nagsimula sa The Library ni Andrew de Real na pinagmulan ng napakaraming kilalang si­ngers and actor-comedians ngayon.

Dahil sa pandemya, napilitang magsara ang lahat ng comedy bars (small and big) at napakarami sa kanila ang sabay-sabay na nawalan ng trabaho. Luckily for Pepay, Negi at Petite, nabigyan sila ng break sa telebisyon at maging sa pelikula bukod pa sa kanilang pagiging vloggers. “Nasasaktan kami kapag may mga nagsasabi nang hindi maganda kay Mimi (tawag nila kay Vice) dahil hindi nila kilala `yung tao tulad ng pagkakilala namin sa kanya,” pahayag ni Negi na sinegundahan naman nina Petite at Pepay.

Si Vice Ganda ang nagbigay kay Negi ng kanyang screenname base sa kulay ng kanyang balat.

Natutuwa rin si Vice Ganda sa narating ng kanyang mga kaibigang beki (gays) na katulad niya (Vice) ay nagtiyaga rin para mabigyan ng space na makilala nang husto.

Ang maganda sa pagkakaibigan ng tatlo, hindi umano nila hinahayaan na masira ang kanilang friendship kapag meron silang hindi pagkakaunawaan sa isa’t isa.

They settle the problem among themselves at hindi na nila ito ipinagpapabukas pa para hindi na lumala pa at maging dahilan ng kanilang pagkakawatak-watak bilang magkakaibigan.

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with