Naku ha naloka ako na sa Las Piñas pala ‘pag nagpabakuna ka puwede kang sumali sa raffle na gagawin sa December na ang grand prize ay house and lot. Iyon ang bonus ni Congresswoman Camille Villar para maengganyong magpabakuna ang lahat sa bayan kung saan siya ang representative.
Sobra talagang spoiled ang mga Pilipino, libreng bakuna, may chance pang manalo ng house and lot pa. Naku ha, ‘pag ‘di pa naman nila sinamantala ang suwerte na iyan, ewan ko na. Imagine mo, iwas sakit ka na, may chance ka pang magkaroon ng house and lot.
At kahit isang turok pa lang, puwede ka nang sumali ha, puwede ka nang manalo sa raffle.
Parang Christmas gift na siguro ito ni Cong. Camille para sa taga-Las Piñas.
Bongga naman. Peaceful goodbye…
Medyo morbid ang pumasok sa isip ko dahil siguro sa init ng panahon. Kasi ‘di ba sabi nila merong bigla na lang namamatay, kaya hindi nakapaghanda.
Parang ayaw kong maniwala sa ganun, kasi siyempre kahit papaano bibigyan ka ng premonition ni God ‘pag kukunin ka na ‘di bah? Kahit ‘yung sinasabi na they died in their sleep, sure akong bago nakatulog iyon, may pahiwatig na sa kanya. Kahit ‘yung tolerance mo sa pain mataas, siyempre may nararamdaman ka na kakaiba na first time mo na-feel.
Sure akong kahit papaano, may paramdam si God na kukunin ka na niya, so puwede kang maghanda.
Maging mabait, go to confession, magdasal, at kung puwede kang gumawa ng one last act of kindness, gawin mo. Alam din ni God na as humans, may kahinaan tayo kaya for sure, mahaba ang pasensiya niya sa atin.
Wala namang tao na totally all black sa kasamaan, puwedeng may dahilan din ‘yung pagiging masama niya, or puwedeng hindi niya rin alam na masama ang ginagawa niya.
So siguro, maluwag ang pang-unawa ni God sa mga ganitong bagay, saka basta meron kang remorse, nagsisi ka, humingi ng tawad kay God, sure akong happy death ang ibibigay niya sa iyo.
No pain, no regrets, not in an accident or sickness na sisira sa spirit mo.
God will give you a peaceful goodbye, and a good journey. Amen.