Chair Rachel, mabilis lapitan

Rachel

Talagang si Chairman Rachel Arenas na ang pinaka-sweet at pinakama-PR na naging chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB. Ang bilis niyang lapitan, hingan ng tulong, at talagang all work all day.

Bagay na bagay pa sa kanya ang posisyon niya dahil film buff siya at mahilig manood ng TV. At dahil young executive, kaya very prog­ressive at very advance ang outlook sa mga bagay-bagay. Nakatulong na dati siyang congresswoman kaya alam niya ang timpla ng tao, alam niyang bagayan.

At imagine mo na nang malaman ni Chair Rachel  ang 2nd Showbiz Chika Pantry natin, talagang hindi siya pumayag na hindi maging isa sa mga donor dahil alam niya ang malaking epekto ng pandemic sa writers. Talagang kahit na sinabi ko na ok na sina Willie Revillame, Niña Taduran at Mama Roulette, talagang basta, sali raw siya.

How can we say no sa napakagandang gesture ni Chair Rachel. Kaya mga Kapatid, Kapamilya at Kapuso, isa na namang ninang ng ating pantry ang nadagdag, si Chair Rachel.

Bongga talaga. Hindi lang ang mother niyang si Cong. Baby Arenas ang mahilig sa charity, pati si Chair Rachel nandun din ang puso.

Show comments