Voltes V, nag-uumpisa na rin!

MANILA, Philippines — Nagsimula na rin ng lock-in taping ang cast, staff and crew ng GMA’s live action TV series na Voltes V: Legacy.

Ibinahagi ng director nito na si Mark Reyes sa kanyang Instagram ang pag-check in ng ilang cast sa isang hotel last Friday. Sasailalim muna muna sila sa quarantine bago magsimula ng taping.

Ipinakita pa ng director ang isang action figure ng Voltes V na kanya raw lucky charm.

Iniipon ang TF para sa kasal...

Hinto muna sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa preparasyon para sa kanilang kasal. Kapwa kasi may bagong trabaho sina Tom at Carla at nasa lock-in taping kaya matagal din silang hindi magkikita.

Magkaibang Kapuso series ang ginagawa ng soon to be couple. Nasa set ng The World Between Us si Tom kasama sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.

Ginagawa naman ni Carla ang bago niyang series na To Have and To Hold.    

Show comments