Coco ilalantad si Julia sa kampanya?!
Wow, Salve A., ngayong more or less, ay tiyak nang tatakbo sa pagka-senator si Coco Martin (real name: Rodel Nacianceno) in the 2022 elections, ibubunyag na kaya niya ang kanyang civil status?
Well, matagal nang bulung-bulungang misis na niya ang aktres na si Julia Montes at may anak na sila.
In any case, obvious na nabibilang na ang pag-ere sa himpapawid ng long-running action series ni Coco, FPJ’s Ang Probinsyano.
Ganunpaman, hindi ito hadlang para tanggapin ni Cristina Gonzalez na maging part ng series bago ito ‘mamaalam.’
In her time, yes, as an actress, isa siya sa itinuring na sexiest and prettiest. Her dad was the late Sampaguita Pictures matinee idol, Jose Mari Gonzalez.
Her marriage to Alfred Romualdez led her to become mayor ng Tacloban City.
Alfred is now Tacloban City’s incumbent mayor.
More on Coco: He admits he is a lola’s boy as he grew up sa piling ng kanyang lola on his mother’s side.
Coco graduated with a degree in Hotel and Restaurant Management and for a time worked in Canada.
It was when he returned home that he was discovered for showbiz.
Now 39 years old, three of his memorable projects, prior to Probinsyano… were Minsan Lang Kita Iibigin, Walang Hanggan at Juan dela Cruz.
Did we hear it right na magse-serve as adviser niya bilang politician si incumbent Senator Lito Lapid, no less?
Willie, nag-ayuda rin sa PGH
Napanood namin, Salve A., ang iniabot na tseke, amounting to P7M, ni Willie Revillame sa mga representative ng Philippine General Hospital (PGH), na kailangang-kailangan ang tulong dahil nasunog nga ang isang building nito.
Pampublikong hospital ang PGH at karamihan sa mga pasyente, na umaapaw daw, kung minsan, lalo’t ngayong pandemya, ay mahihirap.
Nalikom daw ni Willie ang halaga sa ilang donors, kabilang na ang GMA 7.
Milyon din ang iniambag ni Willie. Yes, from his own pocket.
Well, tutukan natin ang programang Tutok To Win sa Wowowin ni Willie nang malaman natin kung may additional pang ambag na malilikom si Willie.
Sanya, inaabangan ang chemistry kay Bong
Marami ang excited sa ‘pagpasok,’ kumbaga, ni Sanya Lopez sa action series na Agimat ng Agila na pinangungunahan, alam natin, ng magiting na senador na si Bong Revilla.
Malalaman daw natin kung kanino siya more at home bilang leading lady, as we all know kapareha rin siya ni Gabby Concepcion sa trending series na First Yaya, where she plays the title role.
Both actors are half the ages ni Sanya, who is 24.
Senator Bong is 54; Gabby’s 56.
While daily weekdays napapanood ang First Yaya, Saturdays lang, 7 p.m., ang airing ng Agimat…
- Latest