^

Pang Movies

After 26 years… Claudine at Mark Anthony, may ‘balikan’!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
After 26 years… Claudine at Mark Anthony, may ‘balikan’!
Mark at Claudine

Tuloy na tuloy na ang balik-tambalan ng dating magkasintahang Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa pelikulang The Comeback Queen na pamamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan kung saan din makakasama sina Alfred Vargas, Kara Madrid at iba pa. Ito’y joint production ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio kasama ang kanyang business partners na sina Louie Gamboa at Richard Chuateco.

Si Mark Anthony ay nasa pangangalaga ng Viva habang si Claudine ay nasa kuwadra ngayon ng ALV Management Circuit ni Arnold ­Vegafria.

Si Claudine ay isa dati sa prized stars ng ABS-CBN bago ito lumipat sa bakuran ng GMA at Viva.

Sina Claudine at Mark Anthony ay unang nagsama sa pelikulang Pare Ko in 1995 na dinirek ni Joey Javier Reyes na siya ring sumulat ng script na sinundan ng Ma­ngarap Ka on same year na dinirek naman ni Rory Quintos under Star Cinema.  Magmula noon ay hindi na muling nagtambal muli ang dalawa. 

Pero after 26 years, muli silang magtatambal.

In our exclusive interview with Claudine, inamin nito sa amin na si Mark Anthony umano ang kanyang first love at greatest love naman umano niya ang namayapang actor na si Rico Yan.

Parehong hiwalay na sina Claudine at Mark Anthony sa kanilang respective partners – sa ex-husband ni Claudine na si Raymart Santiago at kay Melissa Garcia, ang ex-wife ni Mark Anthony kung kanino siya may isang anak, ang young actor na si Grae Fernandez. May dalawang anak naman ang dating mag-asawang Claudine at Raymart, ang kanilang adopted daughter na si Sabina at biological son na si Santino.

While Claudine is not in good terms with her ex-husband na si Raymart, magkaibigan naman ang turingan nila ni Mark Anthony kaya wala umanong problema ang kanilang napipintong balik-tambalan sa pelikula kung saan pareho sila excited.

Shooting starts last week of May up to early part of June.

Rabiya, handa nang maging artista

Kahit sa Top 21 lamang pumasok ang kinatawan ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa recently-concluded Miss Universe beauty pageant na ginanap sa Hollywood, Florida, USA, napaka-overwhelming pa rin ang suporta na ibinigay sa kanya ng kanyang mga kababayan sa Pilipinas maging sa ibang bansa gayundin sa dalawang past Miss Universe title holders na sina Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015) at Catriona Gray (Miss Unvierse 2018). Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ni Rabiya.

Sa halip na ipagpatuloy niya ang pagsali sa iba pang beauty competitions, ibinahagi ng Filipina beauty from Iloilo na gusto umano niyang mag-showbiz na siyang kadalasang karera na pinapasok ng past beauty queens.

Lorin, wish makatrabaho si Anne

Gusto ni Lorin Gutierrez na siya’y makilala sa pamamagitan ng kanyang sariling merito.

Given the chance and the choice, gusto niyang makatrabaho ang kanyang Tita Anne Curtis na nasa bakuran din ng Viva dahil very close umano ito sa Gutierrez family. Of course, everyone knows na si Anne ay naging kasintahan noon ng kanyang uncle na si Richard Gutierrez. Since Anne at Richard ay pareho nang may asawa ngayon – si Erwan Heussaff kay Anne at si Sarah Lahbati naman kay Richard.   Pareho na rin silang may mga anak.  Anne has one – si Dahlia Amelie habang si Richard has two sons na sina Zion at Kai.

Ayon kay Lorin, hindi na umano siya humingi ng permiso sa kanyang estranged dad, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas na matagal-tagal na ring panahong hindi nila nakikita ng kanyang younger sister na si Venice.

Inamin ni Lorin na sarili umano niyang desisyon ang pagpasok sa showbiz at very supportive naman umano ang kanyang pamilya sa kanyang naging desisyon.

CLAUDINE BARRETTO

MARK ANTHONY FERNANDEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with