Tom, bitbit lahat ng mga gadget sa lock-in
Ngayong nagsimula na ang lock-in taping ng upcoming GMA Primetime series na The World Between Us, masaya si Tom Rodriguez, dahil back-to-work na siya, since matagal na siyang walang ginagawang teleserye since the pandemic. At para hindi rin siguro siya mainip, kung wala siyang eksenang gagawin, dinala niya lahat ang mga gamit niya para sa kanyang mini-office, gadgets niya para sa Mobile Legends game, at pati music recording equipment para sa paggawa niya ng videos.
Ipinakita niya sa kanyang Instagram post na naka-set up na lahat iyon sa hotel room kung saan siya mag-i-stay habang naka-lock in taping sila, nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Dina Bonnevie, Ms. Jaclyn Jose with Glydel Mercado.
Medyo malungkot nga raw lamang si Tom dahil natapat sa pagsisimula niya ng work ang wedding preparations naman para sa wedding nila sa October 21, ng fiancée niya, Kapuso actress Carla Abellana, sa Tagaytay Highlands. For sure, malayo man siya, madali rin naman silang magkakausap ni Carla kung may kailangan ito tungkol sa kanilang wedding.
Carmina, gustong pahirapan
Harsh ang reaction ng netizens na sumusubaybay sa top-rating GMA Afternoon Prime drama series na Babawiin Ko Ang Lahat sa pagtatapos nito ngayong Friday ng finale week. Gusto nila raw ay pagdanasin ng hirap si Dulce (played by Carmina Villarroel in her first kontrabida role), bago ito patayin dahil napakarami niyang kasalanang ginawa sa pamilya ni Iris (Pauline Mendoza) at ng parents niyang sina Christine (Tanya Garcia) at Victor (John Estrada).
Kaya tutok na sila from 3:25 p.m. mamaya, sa GMA 7, kung ano ang kahahantungan ng character ni Dulce. Wala kayang puwang ng pagpapatawad kina Iris dahil ina ito ng mga kapatid niya sa ama, sina Joel (Kristoffer Martin) at Trina (Liezel Lopez) na nagpahirap din sa kanya dahil sa inggit?
NCAA, mag-uumpisa na
Marami nang excited sa NCAA fans ang pagsisimula ng NCAA Season titled Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 sa Sunday, May 23. It will be hosted by sportscaster Martin Javier at ng Ms. Multinational 2017 na si Sophia Senoron.
Familiar face na sa Philippine sportscasting si Martin, tiyak namang makaka-relate ang sports fans kay Sophia. In turn, excited na rin naman sina Martin at Sophia sa pagho-host, nang ma-interview sila sa 24 Oras.
Parehong nag-share sina Martin at Sophie na natutuwa sila na kasama sila sa bagong tahanan ng NCAA at close to their hearts ang opportunity na makapag-host nito. Happy si Sophie dahil graduate siya ng San Beda University na isa sa mga participating schools ng liga.
Ang Rise Up Stronger: The Road to NCAA Season 96 ay mapapanood na sa GTV, simula sa Sunday, 5:05 p.m. At mula Monday to Friday, at 2:45 p.m. at tuwing Saturday naman, at 4:30 p.m.
- Latest