Maraming dasal, kailangang-kailangan!

Parang may certain sadness sa paligid. Parang may bigat ang hangin. May melancholia kang nadarama.

Siguro nga dahil parang hindi na lang financial kundi emotional ang naging epekto ng pandemic sa tao. ‘Yung ‘pag nakita mo na merong mga tindahang nakasara, ‘yung mga sinehan na parang permanente ng magiging sarado dahil mukhang ang hirap pa ring gumawa ng pelikula.

‘Yung mga balita na halos lahat ng hospital punuan ang tao, dagdag pa nang masunog ang Philippine General Hospital.

 Ayaw natin ng mga balitang ganito pero talagang ito ang mga nangyayari.

Talagang dasal at dagdag pang dasal ang kailangan natin. Kailangan nang katukin natin nang sabay-sabay ang langit. Tulong na lang sa Itaas ang ating puwedeng hintayin.

Mukhang nagawa na lahat ng puwedeng gawin dito sa lupa, langit na lang ang puwedeng tumulong.

Mga multimillionaire bagets, kahanga-hanga

Grabe ang bagong rich Asian friend namin na si Michelle, BFF ni Cris Roque ng Kamiseta. Bongga siya dahil ang business niya ay vape at ang Lumiche coffee na very healthy dahil nga may malunggay at collagen kaya ‘pag-inom mo ng kape, para ka na ring uminom ng collagen at malunggay ‘di bah!

Tulad ni Cris Roque ng Kamiseta, bagets entrepreneur din si Michelle. At imagine na sa edad nila ni Cris, mga multimillionaire na sila.

Talagang sa batang edad mga rich Asians na sila. Hay naku, gusto ni Michelle na makipag-meet sa atin next week Salve, Gorgy at Pat-P, chikahan at ipapakita na naman niya ang bagong products niya sa atin.

Go go tayo team Go hah hah.

Show comments