Fully vaccinated na si Coney Reyes at pinost niya sa kanyang Instagram ang kanyang Vaccination Card kung saan nakalagay na ang second dose ng Sinovac injection ay nangyari noong May 15.
Walang caption si Coney sa kanyang post, pero naging daan pa rin ‘yun para magkasagutan ang pro-government at si Angel Locsin. Nag-comment kasi si Angel ng “Napakagaling ni Mayor Vico” at may nag-react na sa national government dapat magpasalamat si Angel dahil galing sa national government ang vaccination na dini-distibute sa LGU.
Mabuti at nilinaw ng isang netizen na hindi naman nagpasalamat kay Mayor Vico si Angel, sinabi lang na napakagaling ng anak ni Coney na si Mayor Vico nga.
Siguro raw dahil kahit sa kanyang nanay, hindi ginamit ni Mayor Vico ang pagka-mayor at kinailangan pang magpa-register at maghintay ng kanyang schedule si Coney para mabakunahan.
And speaking of Coney, siguradong masaya ito dahil ang teleseryeng kasama siya, ang Love of My Life ng GMA-7 ay ma-i-stream sa Netflix simula May 28. Kasama sa cast ng LOML sina Rhian Ramos, Mikael Daez, Tom Rodriguez, at Carla Abellana.
Pagbabu ni Glaiza sa twitter walang epekto sa bashers!
Nagbabu sa Twitter si Glaiza de Castro nang hindi sinasabi ang rason, basta nag-tweet lang ito ng “Bye bye cruel twitter world” at kahit marami ang nagtanong, wala siyang sinagot.
Binabalikan namin ang mga naunang tweets ni Glaiza at kung may mga na tweet ang kanyang bashers, kaya lang, mahirap mag-scroll down.
Nakalulungkot lang na umalis na nga sa Twitter si Glaiza, na-bash pa rin siya. Hindi raw siya mami-miss ng netizens at may nag-comment pa ng “good riddance.”
Marami rin naman ang concern kay Glaiza at gusto rin nilang malaman kung anong masasakit na salita ang na-tweet ng bashers para maapektuhan ang matapang na kagaya ni Glaiza.
Sabagay, may Instagram pa naman si Glaiza at sa platform na ito wala pa kaming nababasang bina-bash siya. Makakapag-promote pa rin naman siya ng bago niyang Afternoon Prime series na Nagbabagang Luha na malapit na ang airing.
Paolo at Maine, tuloy na ang gagawin sa TV5
Una nang ipinakilala sina Paolo Ballesteros at Maine Mendoza bilang hosts ng bagong talent search ng TV5 na POPinoy na naghahanap ng next-gen P-Pop stars. Ipinakilala na rin sina Maja Salvador, Kayla, DJ Loonyo, at Jay R bilang headhunters o tutulong na pumili ng winners.
Nakapag-photo shoot na sina Paolo at Maine at nag-shoot na rin ng teaser ang headhunters. Sana lang, simulan na agad ang talent search para hindi na nagtatanunungan kung ano ang hinahanap ng TV5 at ano ang prizes.
Maalalang inakalang si Sarah Geronimo ang host ng POPinoy dahil naunang pinost ng TV5 ang larawan nito kasama ang logo. ‘Yun pala dahil si Sarah ang endorser ng TNT na isa sa major sponsor ng talent search.
Jennica, nagpapaganda uli
Balik-trabaho na si Jennica Garcia dahil kasama siya sa cast ng Las Hermanas na may lock-in taping sa Clark, Pampanga. Nakakatuwa ang posts nito sa Instagram na nasa bath tub siya at pinasok na rin ang mag-TikTok.
May nagpayo kay Jennica na magbalik alindog siya, bumangon, magpaganda at magpaseksi. “Ito nga na nga sinisimulan ko na po. Lahat na nilalagay ko sa panligo at balat ko. Kung mas effective nga po ang lotion pag iniinom, nilaklak ko na po,” sagot nito.
In fairness kay Jean Garcia, wala itong comment at walang masamang sinabi laban sa dating asawang si Alwyn Uytingco. Hinahayaan lang din ni Alwyn na si Jennica ang magsalita na wala ring sinasabing masama sa nangyari sa kanila. Kaya nga hanggang ngayon, hindi pa rin natin alam kung bakit naghiwalay silang mag-asawa.