Kumukuha pala ng voice lessons ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola sa singer-performer na si Angeline Quinto.
Comment daw ni Angeline, mas ‘di hamak na may boses si Jessy kung ikukumpara kay Luis.
Why the two are obviously eager na malaman if they can sing, nahiya raw itanong ni Angeline.
Medyo close raw si Angeline kay Luis, as she once acted as juror, together with Bayani Agbayani and Andrew E., among others, ng dating hinu-host nitong programang I Can See Your Voice.
KC, bilib sa pagiging normal ni Sharon
Hindi lang mother kundi favorite actress pa ang turing ni KC Concepcion sa Megastar na si Sharon Cuneta.
Galing na galing daw siya kay Sharon bilang artista. Kahit anong role raw ay puwedeng gampanan.
Hanga rin siya sa pagiging, kumbaga, normal na tao ng ina. Hindi dahil artista ito, she will let go ang alam niyang mali, kahit ng kanyang solid na tagahanga.
Siya rin daw ay napapagalitan ni Sharon if she misbehave.
She is starting na raw to miss her mom, who is in the US, to reportedly “unwind.”
Well, kahit megastar need to relax nga, kung minsan.
KathNiel, nawawala sa eksena
Paki-explain din, Daniel Padilla, why we don’t see you lately on TV.
Wala kang TV show, ha.
Mabuti na lamang at may isa kang commercial for a softdrinks with Kathryn Bernardo, na kung sabagay, mabibilang sa daliri ang paglabas sa small screen.
Well.
Lovi may dapat ipaliwanag
Malapit na raw magtapos ang top series ng GMA 7, Owe My Love, which marks the first team-up nina Lovi Poe at Benjamin Alves.
No kidding, but the two look good together. Bagama’t equally as good din sila as leading men ni Lovi, sina Rocco Nacino at Ryan Eigenmann.
Not to say din, Jason Francisco, still better known bilang asawa ni Melai Cantiveros.
Very effectie rin as kontrabida sina Jackie Lou Blanco at Winwyn Marquez. Sobrang nakakaaliw both ang role nina Leo Martinez at AiAi delas Alas.
Well, sa nalalapit na “pamamaalam” ng Owe My Love, GMA owes its viewers (including us) one interesting series. Tanong lang, Salve A., sa pagtatapos ng Owe My Love, nangangahulugan bang magtatapos na rin ang pagiging isang Kapuso ni Lovi?
Aba, lalong tumitindi ang balitang magiging isang Kapamilya na siya.
Well, Lovi, don’t you think you ‘owe’ us an explanation?