Araw ng mga nanay, mas naging espesyal
Parang very special ang Mother’s Day ngayon. More than ever, para bang feel na feel mo ang importance ng araw na ito sa buhay natin.
Siguro nga dala na rin ng pandemic, para bang hinahanap mo ‘yung care and love ng isang ina.
In fact, honoring the day, namigay si Kris Aquino ng cash para sa followers niya. Naalala na naman ng lahat how much ang pagmamahal ni Alden Richards sa nawala niyang nanay. ‘Pag nanay kasi ang nawala sa buhay mo, parang forever broken ka, hindi buo. Siguro nga dahil galing tayo sa kanila, karugtong na sila ng buhay natin. ‘Yung kahit matanda ka na at on your own, gusto mo pa ring nandiyan sa tabi mo ang iyong ina.
Kaya ipagdasal natin sila, ibigay natin nang todo ang pagmamahal. The most precious thing in our life, our mother, na siya nating dapat pinasasalamatan sa lahat ng bagay na meron tayo ngayon.
To all the mothers, happy day to you, forever grateful.
‘Life is not short’
Kahit siguro ano pa ang sabihin o gawin ng isang tao, never mangyayari ‘yung sinasabi na life is short kaya dapat wala kang enemy o kasamaan ng loob. Human nature na ‘yung may mga tao kang makakatampuhan, o makaka-disappoint sa iyo. At common nature din natin ‘yung hindi mo patatawarin ‘yung nagkasala sa iyo.
Suwerte lang ‘pag walang mean bone ‘yung nakatampuhan mo, kasi tampo lang ‘yung gagawin niya, pero merong mga tao na destructive na sisirain ka talaga sa iba. Manipulative at will play sa weakness ng iba. Mabuti kung talagang good natured ‘yung nakasamaan mo ng loob, dahil kahit pa nga mag-side siya sa nakaaway mo, hindi ganun katindi ang sama ng loob niya sa iyo.
Sayang nga dahil baka hindi naayos ang samaan n’yo ng loob hanggang sa mamatay siya. Sana kahit paano, ‘yung good memories na lang ang ma-remember, at makalimutan na ‘yung naging tampuhan.
Pero ‘yung pride o ego talaga ang mas madalas na nagiging dahilan para magtagal ang isang tampuhan. Kung wala lang iyang pride na iyan, baka maayos sana ang lahat. Dahil konting bagay hindi dapat pinapalaki, dahil ang epekto nito mas matindi. Hay naku, totoo nga, you forgive, kahit hindi mo ma-forget ‘yung ginawa. Basta alam mo na kung ano ang rating niya as a person, iwas-iwas na lang, pero wala nang galit.
- Latest