Nagwagi bilang Outstanding Dramatic Actress sa The Micheaux Film Festival sa Los Angeles, California ang dating Kapuso singer-actress na si Frencheska Farr. Nanalo si Farr para sa short film titled Harana.
Harana is about a homesick Las Vegas lounge singer trying to connect with her daughter growing up back in the Philippines.
Dinirek ito ni Marie Jamora para sa overseas Filipino workers in the US. Napanalunan din ng Harana ang Outstanding Music. “Thank you to @micheauxfilmfest for this recognition. It really means so much for me to be able to share our stories and not only to be able to move people through our art, but also to spark change for the betterment of all,” post ni Farr via Instagram.
Si Frencheska ang nanalo sa reality singing contest ng GMA na Are You The Next Big Star noong 2009. Co-winner ni Frencheska ay si Geoff Taylor.
Lumabas siya sa ilang teleserye ng GMA at naging regular performer ito sa SOP at Party Pilipinas.
Nagbida rin si Farr sa critical-acclaimed musical film ni Chito Roño na Emir.
Taong 2016 nang pumunta ng US si Frencheska para mag-iba ng career. Kinasal naman siya noong 2017 sa Las Vegas kay Gino Jose.
Rita, may plano na pagkatapos ng pandemya
Nasa bucket list ni Rita Daniela ang magbiyahe around the world kapag tapos na ang pandemya. Kung hindi pa raw masyadong safe mag-travel abroad, puwede naman daw sa buong Pilipinas siya lilibot.
Na-miss daw ni Rita ang bumiyahe kasama ng kanyang mga kaibigan. Hilig daw nilang pumunta sa mga lugar na hindi pa masyadong dinadayo ng mga tao.
Nag-share si Rita ng perfect summer niya kung wala raw sanang pandemic.
“For me, my perfect summer vacation, three things: first, as long as you’re with your whole family. Siyempre maganda ‘yung sama-sama kayong pamilya. Especially sa panahon ngayon, dito mo ma-a-appreciate ‘yung quality time with your whole family.
“Second, boodle fight. Hilig naming pamilya namin ‘yan, buong pamilya namin hilig namin kumain sa dahon ng saging, nakakamay.
“Third is ‘yung water activities. Hilig kasi namin, buong family namin, hilig namin ‘yung mga water activities. So as long as may pool d’yan, o kaya may spring, o kaya batis, ayan, hindi mawawala sa family namin ‘yan.”