^

Pang Movies

Ariella, may advice kay Rabiya!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ariella, may advice kay Rabiya!
Ariella

Nagbigay ng sisterly advice si Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida sa kakatawanan ng Pilipinas sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.

Aware si Ariella na nakakatanggap ng ‘di magagandang comments si Rabiya sa social media. Pinag­daanan din daw niya iyan noong siya ang Miss Philippines. “It’s hard to please everybody. Maniwala ka na nand’yan ka, pinili ka, at nakitaan ka namin na you can carry the flag. Represent the Philippines the best way you can,” sey ni Ariella na umupong judge sa preliminary competition ng 2020 Miss Universe Philippines.

Full support din ang ka-batch ni Rabiya sa MUP 2020 na si Billie Hackenson na naging 4th runner-up.

Maui, naalala ang karanasan sa Oscars best supporting aktres nang makasama sa pelikula

Binalikan ni Maui Taylor ang naging experience niya noong makatrabaho niya ang veteran Korean actress na si Youn Yuh-jung na nanalo bilang best supporting actress sa nakaraang Oscars Awards.

Nakatrabaho ng dating Viva Hot Babes si Youn sa 2012 South Korean film na The Taste Of Money. Maid ang role ni Maui na nagkaroon ng illicit affair sa amo niyang lalake na mister ni Youn.

Ginawa ni Maui ang naturang movie noong pasimula pa lang ang hilig ng mga Pinoy sa K-dramas at K-movies.

Apat na buwan na ginawa ni Maui ang Taste of Money sa South Korea. Bumagay si Maui sa role niya dahil mukha raw siyang Korean at pati ang kutis daw niya ay hindi nalalayo sa kutis ng Koreans.

Hindi naman daw nahirapan na makipag-communicate si Maui noon dahil halos lahat daw sa set ay nagsasalita at nakakaintindi ng ingles.

‘Di naman daw niya malilimutan ang unang eksena niya with Youn. Ang scene ay sasakalin siya ni Youn at nagdalawang isip pa raw ito dahil baka masaktan niya si Maui. Doon lang daw nakausap ni Maui ang actress dahil naunahan daw ng hiya noong pinakilala siya rito. May kanya-kanya raw kasi silang trailer sa set kaya walang chance na makakuwentuhan sila.

Noong gawin daw nila ‘yung choking scene, nagbiro pa raw si Youn para mawala ang kaba ni Maui sa eksena nila.

ARIELLA ARIDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with