Claudine, tuloy ang comeback serye sa TV5
Forty-one-year-old Claudine Barretto is making a showbiz comeback after over five years of being inactive sa industriyang kanyang sinimulan at minahal when she was only 10 years old.
Hindi ikinakaila ng ex-wife ng actor na si Raymart Santiago na sobra umano niyang na-miss ang kanyang trabaho sa showbiz kaya excited siya sa kanyang muling pagbabalik.
Ayon sa bunsong kapatid nina Gretchen at Marjorie Barretto, she is soon to start a TV series sa TV5 (to be produced ng ABS-CBN) and her comeback movie under Borracho Films and Viva Films at kung saan din co-producers ang mga negosyateng sina Luisito Gamboa, Richard Chuateco at Aida Patana na nakatakdang idirek ni Joel Lamangan mula sa panulat ni Easy Ferrer. Makakasama sa pelikula sina Alfred Vargas, Kara Madrid, Gerald Santos at iba pa. Inamin din sa amin ni Claudine na matutuloy umano ang reunion movie nila ni Piolo Pascual under Star Cinema to be directed by Cathy Garcia-Molina pero hindi na umano ang 2gether Un4ever which was earlier announced.
Sina Piolo at Claudine ay unang nagkatambal sa pelikulang Milan in 2004 na dinirek ni Olivia Lamasan under Star Cinema. Baka sa Florence, Italy umano kunan ang kanilang reunion project ni Piolo.
Bukod kay Sabina, si Claudine ay meron pang dalawang adopted kids (matapos silang maghiwalay ni Raymart), sina Quia Barretto (5) at Noah Barretto (3) bukod sa dalawang anak nila talaga.
Hindi man personal na aminin ni Claudine, hindi pa rin sila in good terms hanggang ngayon ng isa niyang elder sister na si Marjorie Barretto, ina nina Danni, Julia, Claudia, Leon at Erich.
- Latest