Jeffrey at Geneva, binubuhay ang nakaraan!
Balik-Viva ang isa sa original member ng dating young singing group na Smokey Mountain na si Jeffrey Hidalgo na dati nang contract talent ng Viva when he was still in his teens pero pansamantala siyang tumigil in favor of his studies.
Ayon kay Jeffrey, singing na talaga ang kanyang passion since he was a young boy pero nagtapos siya ng kanyang pag-aaral to please his parents.
Aware si Jeffrey na malaki ang kanyang kikitain bilang isang chemical engineer pero nanaig sa kanya ang kanyang pagiging isang artist – a singer, actor and now bilang director. Isa rin siyang songwriter.
Nang magkahilig siyang magdirek, he took a short course in filmmaking sa New York Film Academy satellite school in Abu Dhabi sa United Arab Emirates. Sinimulan niya ang pagdidirek ng music videos at reality shows for local and cable channels. Ang kanyang directorial debut movie ay ang Silong na tinampukan nina Piolo Pascual at Rhian Ramos in 2013. Dito naman siya napansin ng GMA at siya’y kinuha para magdirek ng dalawang TV series, ang TODA One I Love at ang Inday will Always Love You, at ilang episodes ng Wagas ng GMA News TV.
Pagkatapos ng Silong ay streaming naman ngayon sa KTX.Ph ang General Admission movie na pinagbibidahan naman nina Jasmine Curtis-Smith at JC de Vera kasama si Rosanna Roces at iba pa.
Hindi ikinakaila ni Jeffrey na nanligaw umano siya noon kay Geneva Cruz when they were in their teens pero nabasted siya.
May pag-asa pang ligawang muli ni Jeffrey si Geneva ngayong pareho na silang adult?
“I am not closing my doors,” pag-amin nito. “But right now, we’re like magkapatid at very close talaga kami ngayon,” aniya.
Tililing, napapanood sa ibang bansa
Natutuwa ang ating mga kababayan sa Middle East dahil nag-e-enjoy na sila sa panonood doon ng iba’t ibang content ng Vivamax app na ni-launch sa gitnang Silangan noong nakaraang April 15.
Bukod sa mga pelikula, napapanood din nila rito ang iba’t ibang TV series, musical concerts at documentaries.
Ang unang pelikula na napanood sa Vivamax (Middle East) at ang Tililing mula sa panulat at direksiyon ni Darryl Yap at tinampukan nina Baron Geisler, Candy Pangilinan, Gina Pareño at iba pa.
Ang Vivamax din ang isa sa mga dahilan kung bakit kabi-kabila ang pa-sign-up ng Viva ng mga talent, datihan man o baguhan.
- Latest