Ka Tunying, nagbunga ang sipag at tiyaga

Ka Tunying

Ang ganda-ganda naman ng life story ni Ka Tunying Taberna. From rags to riches, at talagang sipag at tiyaga.

At siguro iyon din ang perfect chemistry nila ng asawang si Rossel kaya nara­ting niya ang tagumpay.

Iyon kasing talent mo, dapat sabayan mo talaga ng sipag at tiyaga. At lagi ngang sinasabi, paligiran mo ang sarili mo ng mga taong magbibigay sa iyo ng suwerte at good vibes.

Lahat nang ito naging formula sa tagumpay ni Ka Tunying. Lahat ng bagay para marating niya ang kanyang pangarap ginawa niya. Kaya hindi nakapagtataka na habang tumatagal, lalo pang nadaragdagan ang suwerte niya.

Isang patunay si Anthony Taberna na kahit nagmula ka sa hirap, basta meron kang pangarap at magiging matatag ka, makakamit mo ito.

Salute, Ka Tunying, at sa lucky charm mo na si Rossel. 

Derek, hindi excited magtrabaho

Siguro, kaya hindi pa excited magbalik-trabaho si Derek Ramsay dahil na nga sa kondisyon ngayon na ang dami mong naririnig na nagiging positive sa mga taping o shooting. Natatakot din siyempre ang ibang artista na baka nga ‘pag medyo minalas ka, serious ang maging kalagayan mo ‘pag tinamaan ka ng COVID-19. Suwerte ka nga kung tulad ni Derek, puwede kang maghintay hanggang sa gumanda ang paligid, hanggang maging safe na ang lahat. ‘Yung iba, dahil sa tindi ng pangangailangan, walang ipon, kailangan talagang magtrabaho.

Kung tulad ni Derek na may sapat na pera at puwedeng maghintay, ok lang.

Dito mo nga makikita ‘yung malakas ang loob, na sige lang, mag-ingat na lang, pero kinakabahan din tuwing magpapa-swab test. ‘Yung ibang nahihinto ang taping dahil merong nag-positive sa staff o sa mga artista, suwerte na gumagaling mula sa infection.

Kaya cool lang, ayaw pa mag work ni Derek, wait muna. Mas type siguro ng GMA 7 na gusto ng mga artista nila na nag-iingat, kaysa naman sugod nang sugod.

Bongga ‘di bah! Sosyal!

Show comments