^

Pang Movies

Paolo at Lara, hands on sa kanilang adopted

Pang-masa

MANILA, Philippines — Masayang-masaya ngayon ang longtime partners na sina Paolo Bediones at Lara Morena matapos silang mabiyayaan ng adopted daughter na si Avery na ngayon ay one-year and five months old na.

Ang dating OctoArts sexy star na si Lara (Mylene Sanchez in real life) ay matagal nang hiwalay sa kanyang ex-husband, ang businessman na si Fausti Galang kung kanino siya may two grown-up children. Naging karelasyon din ng ex-husband ni Lara na si Fausti ang Kapuso actress na si Maureen Larrazabal pero hiwalay na rin.

Si Lara naman ang pinakamatagal na karelasyon ng dating TV host ng GMA at former news anchor ng TV5 at entrepreneur na si Paolo na na-link din noon sa dating beauty queen na si Abby Cruz.

For the longest time ay gustong magkaroon ng anak nina Paolo at Lara pero hindi sila nabiyayaan nito kaya nagdesisyon ang mag-partner na mag-adopt na lamang at saka dumating sa kanilang buhay si Avery.

Very hands-on parents sina Paolo at Lara sa kanilang anak na siya nilang inspirasyon sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Si Paolo ay pamangkin sa pinsan nina Imee, Bongbong at Irene Marcos dahil ang ina ni Paolo na si Maria Teresa Barba ay first cousin ng yumaong dating Presidente na si Ferdinand Marcos.  Ang maternal grandma ni Paolo na si Fortuna Marcos-Barba ay kapatid ni dating Pangulong  Marcos.

Speaking of Paolo, marami ang nanghihinayang na hindi na ito nakabalik sa telebisyon bilang host at news anchor matapos siyang masangkot sa sex scandal, may ilang taon na rin ang nakalipas.

Sitti, may miracle baby

Masayang ibinalita ng bossa nova singer na si Sitti (Sitti Navarro-Ramirez) na ipinagbubuntis niya ngayon ang kanilang magiging second baby ng husband niyang si Joey Ramirez na itinuturing niyang miracle baby.

Nabuo ito sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS) at antiphospholipid syndrome (APAS).

Sina Sitti at husband niyang si Joey ay ikinasal noong June 2015.

Jake, loveless pa rin

Marami ang natutuwa sa co-parenting arrangement ng dating magkasintahang Andi Eigenmann at Jake Ejercito pagdating sa kanilang nine-year-old daughter na si Ellie (Adrianna Gabrielle Eigenmann).

Kamakailan lamang ay lumipad patungong Siargao Island si Jake para sunduin ang anak nila ni Andi. Si Andi at ang fiancé nitong si Philmar Alipayo at mga anak na sina Lilo at Koa ay naka-base na sa Siargao kung saan paminsan-misan ay naroon din si Ellie.

Since maliit pa pareho sina Lilo at Koa at hindi maihahatid ni Andi sa Maynila si Ellie ay pinakiusapan niya si Jake na siya na ang sumundo sa kanilang anak na siya namang ginawa ng binata ni dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada.

First time ni Jake na nagtungo ng Siargao at first time rin niyang nakilala ang fiancé ni Andi na si Philmar at bago nilang baby na si Koa habang si Lilo ay nakilala na niya rito sa Maynila.

Since unang beses pa lamang ni Jake sa Siargao ay nagustuhan niya ang lugar kaya nag-stay siya roon ng apat ng araw at ang anak na si Ellie ang kanyang naging tour guide. Pareho nang nag-mature sina Andi at Jake, smooth sailing na ang takbo ng kanilang relasyon bilang parents ni Ellie.

vuukle comment

PAOLO BEDIONES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with