Finally, nalalapit na ang paglipad ng agila ni Sen. Bong Revila sa ere ngayong Mayo, ang Agimat ng Agila.
Magsisilbing panimula ito ni Sen. Bong sa pagbabalik-telebisyon. Matagal nang nauuhaw sa maaksyong istorya ang mga manonood. Sawang-sawa na ang karamihan sa paulit-ulit na kuwentong COVID attack na patuloy na nananalasa sa buong mundo. Panibagong panlasa nga naman sa pandinig ang parating na seryeng Agimat ng Agila.
Tampok sa serye sina Roi Vinzon, Benjie Paras, Elizabeth Oropesa at showbiz lucky girl na si Sanya Lopez.
Well, abangan kung may ibubuga hindi lang sa drama kundi maaaksyong eksena ang Bulakenya star ni Kuya Germs sa programang Walang Tulugan.
Amanda, ‘di nag-enjoy nang bumiyahe sa Guam
Hindi gaanong natikman ng aktres na si Amanda Amores ang bakasyon sa Guam nang magtungo ito roon. Hinatid daw niya ang kanyang ina roon na naabutan ng lockdown nang magpunta ng Pilipinas. Ayaw pabayaan ng aktres na umuwing mag-isa ang ina lalo na sa panahon ng pandemonic COVID attack.
Kuwento ni Amanda, paano raw siya makakapag-enjoy sa Guam kung papunta pa lang doon ay kailangang sumailalim sa quarantine sa loob ng 14 days at ganoon din pag-uwi. Talagang naloka raw ang lady president ng ladies’ association ng Barangay Sto. Domingo, Quezon City at ina ng kapitanang si Michelle Yu.
Beteranang aktres, paubos na ang ipon
Kuwento ng isang veteran actress, nakakalungkot daw ang mga nangyayari sa kasalukuyan. Ngayon lang daw siya nakaranas ng kahirapan sa buhay. Matagal na siyang artista pero ngayon ay unti-unting nauubos ang ipon niya sa taas ng presyo ng mga bilihin.
Makakaipon ka raw ba ngayon? Nagtatanong din siya kung bakit isang taon na ay ganito pa rin ang sistema sa ating bansa at parang walang nangyayari .
Samantala, araw-araw ay nadadagdagan ang mga biktima ng nasabing virus. May nakisabat pa sa kuwentuhang narinig namin na ang COVID daw ay isang uri ng sumpang salot at ang dasal lang sa Panginoon ang gamot para matigil na ito.
Kaya Pilipinas, gumising ka na at labanan ang COVID at korapsyon!