Umalma si Ellen Adarna sa balitang ginagawa siyang sugar mommy ng fiancé na si Derek Ramsay. Ipinost ng aktres sa kanyang Instagram story ang screenshot ng news item kung saan ay nakasaad na ginawa raw siyang tagapagbayad ng utang ng aktor.
Sa taas nito ay nakalagay ang reaksyon ni Ellen. Aniya, “alam naman ng lahat na di ako pangit para maging sugar mommy lol. If ganyan… I just left gwapa ko ang peg lol bye felicia.”
Sa IG Story ni Ellen ay nilinaw din ni Derek na wala siyang utang.
“Wala po akong utang, I don’t make utang,” sey ng aktor.
May nagtanong din na netizen ng “what if Derek cheats on you will you forgive and still accept him?”
Sagot ni Ellen, “no, no, no!”
Singit naman ni Derek, “no, I will not cheat on you.” Pagsisita pa niya sa netizen na nagtanong, “why talk about negativity?”
Samantala, nakalagay din sa IG Story ni Ellen ang pagbili ni Derek ng rechargeable ride on car sa anak ng aktres kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.
PMPC, may pa-concert para sa mga senior at may sakit
Isa sa pinakamatinding tinamaan ng pandemya dulot ng COVID-19 ay ang entertainment industry. Natigil kasi ang live events at wala pang kasiguraduhan kung kailan babalik sa normal ang lahat.
Kaya naman bumuo ng virtual concert ang PMPC (Philippine Movie Press Club) titled Awit Sa Pandemya… A PMPC Benefit Concert kung saan ay magsasama-sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad ng bansa. Gaganapin ito sa April 18, 2021 (Sunday), ticket2me.net platform, 8:00 p.m. (PHST & SGT), 5:00 a.m. (PDT).
Ang Awit sa Pandemya ay fundraising concert na hindi lang layon ang makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood kundi para makalikom din ng halaga dahil ang proceeds ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members lalo na ang mga senior at may sakit na miyembro nito.
Pangungunahan ng singers at artists na sina Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela, Gerald Santos, Ima Castro, Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma.
Kasama rin sina JV Decena , Gari Escobar, Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia, Sarah Javier, Charo Laude, Diane de Mesa, Renz Robosa, Lil Vinceyy, and the Zcentido Ska Band.
Ang Awit sa Pandemya ay proyekto ng Special Project Committee ng PMPC sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si Roldan Castro. Para sa ibang detalye tumawag sa ticket2me.net (09188427346). Stay safe at the comfort of your home and enjoy the show.