Javi, kakandidatong mayor?!

Javi

Nagtataka ako dahil parang ang quiet ng Brightlight Productions. Hindi tulad noong magsimula sila na parang ang ingay ng pagpasok sa showbiz, ngayon na wala pa silang one year, parang wala nang balita. Para tuloy firecracker na maganda ang putok sa umpisa, tapos biglang paltos.

Ano na ang nangyari?

Isa pa naman sa inaasahan ng showbiz ang Brightlight na magbibigay-ningning sa medyo umaandap na kinang ng industriya.

Bakit biglang nanahimik? Ang balita lang na narinig ko ay baka tumakbong mayor si Javi Benitez sa kanilang bayan.

Well educated at alam ni Javi ang papasukin niya kaya sure ako na handa siya sa pagpasok sa pulitika.

Sino pa ba ang puwede na maging mayor sa bayan nila kundi ang isang Javi Benitez na bata pa ay alam na ang takbo ng dapat gawin para sa ikauunlad ng kanilang bayan.

Nagtapos sa US si Javi, articulate at very charming, very kind at magalang kaya tiyak ako na mamahalin siya ng kanyang mga kababayan.

Itanong ko nga kay Pat-P Daza kung ano na mga plano ng Brightlight para malaman ko kung bright, dim o baka brownout? Joke joke joke.

Miss U, may live audience

Bongga ang Miss Universe ha. Walang takot na meron pa raw live audience.

Maganda naman ‘yung ipinadala natin na Miss Universe Philippines na si Rabiya Mateo at mukha namang handang-handa sa paglaban. Pero sa panahon kasi ngayon, kahit pilitin mong i-divert sa ibang bagay ang utak mo, ang tendency balik-pandemic pa rin ang takbo nito. Para bang, ah so, may ganyan at ganun, pagkatapos balik uli sa pagbilang kung ilan ang tinamaan ng COVID-19, kung ilan ang namatay at ilan ang nawalan ng trabaho.

Pero in fairness, bright light of hope rin ‘yung mga awarding ceremony, ‘yung mga beauty contest, para kahit papaano malimutan kahit sandali ‘yung nararanasan natin ngayon.

Show comments