^

Pang Movies

Mga lumang pelikula ni Sen. Bong, pantanggal ng umay sa mga ibang palabas

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Mga lumang pelikula ni Sen. Bong, pantanggal ng umay sa mga ibang palabas
Bong

Malaking tulong na panlaban sa umaata­keng inip at pagkaburyong ng mga manonood sa telebisyon ang mga lumang pelikulang palabas ngayon ni Sen. Bong Revilla.

Nakakabawas ito nang sawa sa kasalukuyang uri ng palabas ngayon na pulos laitan, awayan, agawan sa lalaki at patayan.

Imagine nga naman, sa takbo ng buhay ngayong umaatake sa ating bayan ang coronavirus, mga depressing show pa ang mapapanood sa telebisyon.

Kaya kahit papaano ay nakakabawas ng boredom ang mga pulos bakbakan na pelikula ni Sen. Bong.

Kuwento ng senador, mas exciting daw ang upcoming show niya sa Kapuso network na Agimat ng Agila.

Samantala, simpleng idinaos nina Sen. Bong at Mayor Lani Mercado ang kanilang ika 23rd wedding anniversary kamakailan.

Dasal ni Ate Vi, pinakinggan ng Diyos

Dahil may pandemya, simpleng wedding lang ang naganap kina Jessy Mendiola at Luis Manzano.

Hindi puwedeng pabonggahin ang kasal ngayon dahil baka magdulot pa ito ng pagkakahawaan.

Masaya si Ate Vi (Cong. Vilma Santos) na hindi raw siya binigo ni Lord sa kanyang panalanging makaisip nang lumagay sa tahimik ang anak.

Tama rin si Luis sa sinabi niya noon na magpapakasal sila ni Jessy sa tamang panahon.

Mga staff ng taping, umiiyak na

Nalungkot at natakot kami sa mga naging kuwentuhan ng ilang staff sa taping ng isang serye somewhere in Northern part of Luzon. Malaki raw ang perwisyong idinulot sa kanila ng salot na pandemonic COVID. Barya-barya na nga lang daw ang talent fee na tinatanggap nila para lang may maipakain para sa kanilang pamilya. Hindi raw sila natatakot sa COVID, mas higit nilang kinatatakutan ang mawalan ng trabaho at magutom ang pamilya.

Sa totoo lang, nararamdaman namin ang sinasabi nilang hindi nila alam kung hanggang kelan pa sila makatatagal sa gutom na dulot ng kawalan ng trabaho dahil sa pandemyang nararanasan sa kasalukuyan.

Mga sikat at mapepera, ‘di ligtas sa COVID

Mapapansing mahilig sa publisidad ang COVID, imagine mga artista at pulitiko ang inaatake nito  kaya lalong dumarami ang publisidad nito. Kapag artista at pulitiko ang nagiging biktima, bukod sa sikat ay mapepera rin ang madalas nating marinig na nabibiktima dahil walang karapatang bigyan ng publisidad ang mahihirap na tinatamaan din.

Pati ba rito? Wow, laganap pa rin talaga ang korapsyon. Ang naghihirap na mamamayan talaga ang laging kawawa.

BONG REVILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with