Ngayon lamang ipinakilala ng engaged couple na sina Vin Abrenica at Sophie Albert, sa pamamagitan ng kanilang vlog ang first child nila, ang baby princess nilang si Avianna Celeste, na isinilang ni Sophie via caesarean delivery on March 15. “She’s a big baby, so it would be safer for us to deliver her via C-section, which I was not expecting.”
Gusto raw sana ni Sophie na isilang niya nang normal, pero dahil sa laki ng anak, pinili niya kung ano ang magiging mabuti para sa baby.
Dagdag pa ni Sophie, kinailangan din daw mag-stay ng baby nila sa intensive care unit or ICU, para obserbahan pa siya. Bumaba raw kasi ang oxygen level nito at nang i-X-ray ang kanyang lungs, may tubig pa ito na normal daw sa mga baby delivered by caesarean section at sa a giant babies na isinisilang. Baby Avianna Celeste weighed 9.13 pounds.
Maine, nagbukas ng bagong branch ng fast food chain
Natuloy din pala ang soft opening ng pinakabagong branch ng fast food chain ni phenomenal star Maine Mendoza last Monday, March 29. Located ito sa Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan. Pero dahil unang araw iyon ng pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ), simple lamang ang soft opening na dinaluhan ni Maine at ng kanyang pamilya.
Kaya kung napanood man si Maine last Holy Monday sa Eat Bulaga with Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Alden Richards, taped na ang special presentation ng show na ni-replay nila ang Bawal Judgmental segment na featured ang ilan sa Dabarkads na nag-positive sa COVID-19 at kung paano sila lumaban sa pandemic na pinagdaraanan natin ngayon, tulad nina Allan K, Wally Bayola, si Mama Ten na PA ni Alden at ang doctor nila sa Eat Bulaga.
Like last year na nagsimula ang pandemic, this year ay hindi rin nakapag-tape ng yearly Holy Week episodes ang Eat Bulaga.