^

Pang Movies

Miriam hindi natupad ang wish sa bagong baby!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Miriam hindi natupad ang wish sa bagong baby!

Baby boy ang muling ipinagbubuntis ngayon ng 1999 Miss Universe 1st runner-up na si Miriam Quiambao sa kanyang non-showbiz second husband na si Eduardo `Ardy’ Roberto. Ang panganay ng mag-asawa na si Elijah ay nag-two years old last February 19.

Si Ardy ay may teenage adopted son sa kanyang yumaong unang misis na si Tingting, si Joshua na kinu-consider na eldest son ni Miriam.

Noong hindi pa alam ng mag-asawang Miriam at Ardy ang gender ng kanilang bagong baby ay umasa ang actress-host, book author at entrepreneur na sana’y maging girl ang ipinagbubuntis niya ngayon.

Luis-Jessy at Tom-Carla, halos sabay ang engagement

Parehong buwan ng Oktubre 2020 magkahiwalay na nag-propose sina Luis Manzano at Tom Rodriguez sa kanilang respective fiancees na sina Jessy Mendiola at Carla Abellana. It was only a month later nang ipaalam sa publiko ng engaged couple na sina Luis at Jessy tungkol sa kanilang engagement at nitong buwan naman ng March ipinaalam nina Tom at Carla. Ang dalawang magkahiwalay na couple ay inaasahang ikakasal sa taong kasalukuyan although wala pang details na ibinibigay ang dalawang couple bagama’t sinasabing kasal na ang dalawa.

Ang engagement nina Tom at Carla ay ginanap mismo sa bahay ng ina ni Carla na si Rea Reyes at ng kanyang stepdad which was decorated and transformed beautifully into a garden of flowers. Nakipag-cooperate kay Tom ang mother ni Carla and her mom’s family. Gulat na gulat si Carla nang ito’y dumating sa bahay kasama si Tom na agad sinundan ng Filipino-American actor ng kanyang proposal. Kasunod na rito ang pag-iyak at pagyakap ni Carla sa kanyang fiancé.

Sarah at Matteo, nag-groundbrea­king ng resthouse sa Batangas

Magpapatayo ng kanilang resthouse sa Peninsula de Punta Fuego sa Nasugbu, Batangas ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Ang groundbreaking ng kanilang bagong house ay isinabay sa ika-31st birthday mismo ni Matteo noong nakaraang March 26. Pagkatapos nito ay lumipad ang celebrity couple with Matteo’s family sa Palawan kung saan sila nag-celebrate ng kaarawan ng singer-actor and entrepreneur.

Hindi maliwanag kung beachfront ang ipinatatayong bahay ng mag-asawa sa Nasugbu, Batangas.

vuukle comment

MIRIAM QUIAMBAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with