Bea, nagpa-sample ng farm-to-table`cooking

Bea

Walang problema ang aktres na si Bea Alonzo ngayong naka-ECQ ang National Capital Region (NCR), Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite this Holy Week na magtatapos sa Easter Sunday, April 4, dahil tamang-tamang nasa kanyang Beati Firma Farm sa Iba, Zambales ang actress.  Wala rin siyang work ngayon, kaya naman nakapag-post ulit si Bea ng third vlog niya habang nasa farm siya, titled Farm To Table Cooking.

Enjoy si Bea dahil uso ngayon ang farm-to-table cooking at na-inspire siyang gawin ito dahil makukuha na niya sa farm ang mga ingredient kung ano man ang lulutuin niya. 

Nagpasalamat si Bea sa kanilang cook sa farm na itinuro sa kanya kung paano iluto ang ginataang tilapia with kamias. Bago siya nagluto, namitas muna siya ng kamias at sili at nagpahuli ng tilapia sa kanyang fish pond doon sa farm. At isa-isa niyang itinuro kung paano lutuin ang ginataang tilapia, gamit ang palayok, kaya madali itong masusundan ng subscribers ng vlog niya.

Ending ng vlog, sarap na sarap kumain na nakakamay si Bea na nakaupo sa banig sa ilalim ng isang punong mangga.

Alden, may compilation ng best scenes

Natuwa at nagpasalamat sa Netflix Philippines ang followers ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards nang i-post nila sa Netflix Philippines’ YouTube ang Our One & Only Alden na ipinakita ang “His Best Scenes” sa movies and TV shows like Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo, Imagine You & Me nila ni Maine Mendoza, I Can See You: Love on the Balcony nila ni Jasmine Curtis-Smith at My Bebe Love nila ni Maine Mendoza. Meaning naipalabas na ang mga ito sa Netflix Philippines.

Kaya kung hindi pa ninyo napanood ang drama anthology nina Alden at Jasmine na ICSY: Love on the Balcony, may chance kayong mapanood ito sa Maundy Thursday, April 1, dahil may marathon airing ito, meaning mapapanood ang limang episodes nang tuluy-tuloy.

Mapapanood ang mini-series sa Huwebes Santo, mula 7:15 p.m. sa GMA 7.

Magkaagaw, grand finale na

Bukas na, March 31, ang grand finale ng Magkaagaw na more than a year ding tinutukan ng netizens ang story nina Veron (Sheryl Cruz), Laura (Sunshine Dizon), Clarisse (Klea Pineda) at Jio (Jeric Gonzales), dahil inabutan ito ng COVID-19 pandemic. Maraming itinurong lessons, hindi lamang sa kanila sa characters na kanilang ginampanan kundi sa mga manonood din ng GMA Afternoon Prime.

Sa direksyon ni Gil Tejada, napapanood ito at 2:30 p.m., pagkatapos ng Eat Bulaga sa GMA 7.

Show comments