^

Pang Movies

Liza hindi kinaya ang pagdurusa ng bayan, ­kinuyog sa pagkumpara sa US at Pinas

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Liza hindi kinaya ang pagdurusa ng bayan, ­kinuyog sa pagkumpara sa US at Pinas
Liza

Tila hindi na kinakaya ni Liza ­Soberano ang pagdurusa ng ­ating mga kababayan dahil sa hindi matapus-tapos na pandemya na sa halip na malutas ay lalo pang lumalala.

Sa kanyang Twitter account ay hindi na nakatiis si Liza at nagpahayag ng kanyang nararamdaman. Kinuwestiyon niya kung bakit hindi makapag-provide ang ating bansa ng stimulus para sa mga tao.

“My heart bleeds for all the people who cannot afford not to go out and work. They literally have to choose between dying of starvation or dying of COVID. Is our country really this poor to no be able to provide stimulus?? Genuine question lang po,” ang unang tweet ni Liza.

“America has received 2 rounds of stimulus already, waiting on the 3rd. COVID testing is free, vaccination is free. Where is the support for the poor in our country? Madali lang naman po mag stay at home if everyone has food on the table and money to pay the bills,” tweet pa ulit ng aktres.

May sumagot na netizen dahil sa pagkum­para ni Liza sa US at Pinas.

“You’re comparing our “poor” country to the first world country? lmao. Yes Liza, our country is too poor to feed every Filipino’s mouth. So, don’t expect that much. I still do appreciate your compassion tho,” komento ng netizen.

Sinagot din naman ito ni Liza. “So what do we do? Just sit back and wait for a miracle to happen? Pray that COVID just disappears. I believe God works wonders but I believe that He gives us the instruments to make that happen. Sad thing is the instruments/decision making are not in our hands.”

Halata rin ang frustration kay Liza sa huling tweet niya na “hayy I honestly don’t even know if my tweets/ my voice is actually doing anything. We can only pray for compassion now. Good night everyone! God bless all of you. Stay home if you can.”

Actually, ramdam na ramdam namin ang gustong sabihin ni Liza. Na sobrang nakakalungkot na talaga ang nangyayari pero wala kang magawa at hindi mo na alam kung kanino pa ba dapat i-address ang concerns mo or kung sino ba talaga ang makakatulong sa atin.

Dominic, pinasan ang daigdig noong pandemya

Aminado si Dominic Ochoa na hindi biro ang mga pinagdaanan niya last year sa kasagsagan ng pandemya kabilang na nga ang ABS-CBN shutdown.

“I got into an accident, I lost a show, pasan mo ang daigdig ko last year, eh, and then, nagkaroon pa ng pandemic, parang ang daming pumapasok sa utak mo, tapos may shutdown pa tayo,” aniya sa virtual mediacon ng bago niyang seryeng Huwag Kang Mangamba.

“But alam mo, lahat ‘yan, dinasal ko eh. And at the end of the day, niluhod ko ‘yan sa Diyos, iniyakan ko ‘yan sa harapan ng simbahan,” sey pa niya.

Sa lahat ng dinaranas nating pasanin, aniya ay dasal lang talaga ang pinakamabuting dapat gawin at ito rin ang itinuturo raw ng seryeng Huwag Kang Ma­ngamba.

“’Yan ang rason kung bakit tayo nagkakaroon nitong show na ‘to, itong Huwag Kang Mangamba. Binabalik natin at pinapaalala po natin sa ating mga manonood. Not just to entertain but to remind them, maybe we just stop and sit down and pray,” he said.

Thankful ang aktor na lagi siyang napapasama sa mga ganitong inspirational drama series tulad ng ng HKM (in the past ay kasama rin siya sa May Bukas Pa at 100 Days to Heaven) dahil in a way ay nagiging instrument din siya sa pagbibigay ng pag-asa sa mga manonood.

Nagsimula nang mapanood ang HKM last Monday sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, at Kapamilya Online Live. Pinagbibidahan ito ng The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Kyle Echarri and Francine Diaz.

LIZA ­SOBERANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with