Dahil sa Instagram post ni Nash Aguas na iniimbitahan niya ang netizens sa binyag ng kanyang anak, na-misinterpret ito ng isang vlogger at inakalang buntis ang girlfriend niyang si Mika dela Cruz.
Ibinalita agad ng vlogger sa kanyang YouTube channel na buntis si Mika at nakagawa na agad ng story na next year daw ang kasal at wish daw ng young couple na maging malusog ang baby sa sinapupunan.
Ang na-misinterpret na IG post ni Nash ay larawan nila ni Mika kung saan ay makikitang kandong niya ang girlfriend na naka-white dress. Caption ng young actor, ”imbitado po kayong lahat sa binyag ng aking anak na si @mikadlacruz HAHAHAHAHAHHA SORRY NA LABYU HAHAHA.”
Kaya naman kaagad ding nag-post ng paliwanag si Nash matapos ibalita ng vlogger na buntis si Mika.
Ayon sa paglilinaw ni Nash sa short video na in-upload niya, mukha raw kasing nakapangbinyag si Mika kaya ganu’n ang caption niya. Pero malinaw naman na ang GF ang tinutukoy niyang ‘anak’ na bibinyagan at hindi baby nila. In short, it was a joke.
Well, sabagay, ‘yung damit ni Mika ay parang maternity dress din naman kasi talaga.
Sa video ay makikitang tawa nang tawa si Nash habang pinanonood ang video ng vlogger.
Sa caption ni Nash ay pinag-iingat niya ang kanyang followers sa fake news at nagpahayag ng pamamaalam sa social media.
Lovi, ginawan ng cover ang Smile...
Kasalukuyan nang napapakinggan sa iba’t ibang digital streaming platforms ang With a Smile cover ng Owe My Love lead actress na si Lovi Poe.
Sa interview niya with GMANetwork.com, ibinahagi ni Lovi na isa ang With a Smile sa mga paborito niyang awitin ng iconic rock band na Eraserheads.
“Isa ‘yan sa mga paborito kong songs ng Eraserheads. So the fact na nabigyan ako ng pagkakataon to have my own version of it, talagang sobrang nagpapasalamat ako,” aniya.
Para kay Lovi, akmang-akma ang awiting ito sa pinagdaraanan ng mga Pilipino na nakangiting hinaharap ang pandemya at sakuna.