^

Pang Movies

Cong. Vi, hindi tinututukan ang eleksyon 2022

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Cong. Vi, hindi tinututukan ang eleksyon 2022
Vilma Santos

Muling nanawagan si Congresswoman Vilma Santos para sa mas higit na panalangin matapos na itaas ng Phivolcs ang alert level sa bulkang Taal. Nanawagan din siya na sana huwag nang ma­ging matigas ang ulo ng mga tao at huwag nang pupunta sa itinakdang “permanent danger zone” dahil delikado at huhulihin sila oras na labagin iyon. Bagama’t medyo malayo naman ang Lipa sa mga lugar na karaniwang nato-trouble basta pumuputok ang Taal, concerned pa rin si Ate Vi dahil sa mga dati niyang constituents.

Ang isa pang problema, hindi kagaya noong nakaraang taon na mabilis mai-evacuate ang mga tao noong pumutok ang Taal. Ngayon iba ang sitwasyon dahil nga sa pandemic at sa mga umiiral na quarantine. Hindi sila puwedeng basta umalis at magpunta kung saan man nila gusto dahil sa safety protocols.

Malamang na magkakaroon ng isang holding area kung saan sila maaaring isailalim sa isang swab test bago sila dalhin sa isang evacuation area. Dagdag na problema na naman iyan sa local government.

“Mayroon na kaming nabuong sistema para sa mga ganyang sitwasyon, kaso nga mababagong lahat iyon dahil sa pandemic. Hindi naman kami makakakilos ahead dahil baka naman sa awa ng Diyos hindi na pumutok ang Taal. Masasayang naman ang initial efforts lalo na kung masisira lang ang relief goods na iipunin mo. Kailangan talaga hintayin mo kung ano ang mangyayari eh,” sabi ni Ate Vi.

May mga usapan na mukha raw sa susunod na eleksiyon ay sinasabing babalik siya sa isang local government position. Gaano katotoo iyon?

“2022 pa ang eleksiyon. Sa isang taon pa iyan, hindi ko pa iyan iniisip sa ngayon. Ang iniisip ko muna ngayon ay kung papaano tutulungan ang mga tao kung pumutok nga ulit ang Taal. Iniisip ko rin kung ano ang magagawa para mapabilis ang pagkatapos ng pandemya. Iyan ang mga priorities ko ngayon.

“Alam din naman ninyo, noong una pa lang na team player ako. Wala na akong ambisyong maabot pa eh. Lagi naman iyang desisyon ng partido. Kung ano ang mapagkasunduan doon ako. Hindi ako namimili ng trabaho, ang sa akin lang makapag­lingkod sa tao kung kaya ko”patapos na pahayag ni Ate Vi.

Gabby, hindi nagpa-flop ang mga ginagawang serye

Ang role na inayawan ni Marian Rivera dahil sa sistema ng taping ngayon ng mga serye na kailangang naka-lock in ang mga artista, napakinabangan ni Sanya Lopez.

Suwerte si Sanya, sabi nga ng ilang observers. Isipin mo kung gaano kalaking role iyong bigla na lang dumating sa kanya. Si Gabby Concepcion pa ang leading man niya na simula noong lumipat sa GMA 7, lahat ng ginawang serye ay naging malalaking hits.

Siguro kailangan din ni Marian ang boost sa career na maaari niyang makuha mula sa seryeng iyan, dahil aminin natin na hindi na rin ganoon kaganda ang resulta ng mga huli niyang serye, pero ayaw niya ng lock-in taping eh kaya walang choice kundi palitan pa rin siya.

Young matinee idol, tinanggihan ang milyonaryong bading

Magalang naman daw na tinanggihan ng poging young matinee idol ang offer na “pakikipagkaibigan” ng isang gay millionaire. Sinabi raw ng poging actor na nagpapasalamat siya sa inialok sa kanyang “support” pero mas maganda nga raw kung susuportahan na lamang ng gay millionaire ng kanyang career. Panoorin na lang daw ang kanyang mga pelikula at TV shows. Sa magandang paraan naipaabot ng poging matinee idol na hindi siya pumapatol sa bading.

Hindi naman daw nainsulto ang gay millionaire at nangako pa ng support sa career ng poging matinee idol, tapos ipinatawag na lang daw ang isa pang male star na muntik nang hiwalayan ng asawa para maka-date niya. Dumating naman daw iyon sa coffee shop ng isang bagong five-star hotel, kung saan na rin sila nagpalipas ng gabi ng gay millionaire.

Papaano kung mabalitaan iyan ni Doc Bading?

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with