^

Pang Movies

Veteran Jazz singer na si Richard Merk na-stroke, nangangailangan ng tulong-pinansiyal

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Nakatanggap kami ng text mula sa nakababatang kapatid ng veteran jazz singer and radio anchor na si Richard Merk, ang singer-actress at dating beauty queen na si Rachel Anne Wolfe na naka-base sa New Jersey City, USA with her Italian-American husband na si John Spitalleta and four sons na sina Max, Trevor, Luke and Jake. Humi­hingi ang singer-actress ng dasal at financial help para kay Richard na naka-confine ngayon sa Makati Medical Center matapos itong magkaroon ng mild stroke noong gabi ng February 11 habang siya’y natutulog.

Nagkasunud-sunod ang problema ni Richard matapos itong maharap sa isang vehicular accident na naging sanhi ng kanyang injury sa paa kaya nahirapan siyang lumakad. Magkasunod ding namayapa ang kanyang ina, ang Jazz Queen na si Annie Brazil at ang kanyang wife, ang dating bank executive na si Veronica `Roni’ Merk noong March and September 2019 respectively. Dumaan din noon sa depression si Richard at nilunod niya ang kanyang sarili sa pag-iinom kaya naisugod siya noon sa pagamutan dahil tumaas ang kanyang blood sugar to 450 habang 250/120 naman ang kanyang BP.

Since estudyante pa lamang ang kanyang anak na si Manna at wala pang hanap­buhay, Richard has to depend on his younger siblings for help but they can only do so much dahil may kani-kanyang pamilya na rin ang mga ito.

Umaasa si Rachel Anne na matutulungan si Richard ng kanyang mga kaibigan sa industriya. Huling dalaw ni Rachel Anne sa Pilipinas noong March 2019 sa wake ng kanilang inang si Annie Brazil na sumakabilang-buhay at age 85. May dalawa pa silang younger siblings na sina Ronnel and Raffy Wolfe.

Samantala, madalas magkaroon ng fundraising concert noon si Richard para sa mga kasamahan sa industriya na nangangailangan ng financial help. Sa pagkakataong ito ay si Richard naman ang nangangailangan ng tulong. Sana ay matulungan din siya ng kanyang mga kaibigan at kasamahan.

Anne, inaabangan ang pagbabalik-Showtime

Inaabangan na ang muling pagbabalik ni Anne Curtis sa It’s Showtime ngayong nasa bansa na siya.

Kinukumpleto pa ni Anne at ng kanyang husband na si Erwan Heussaff ang kanilang 14-day quarantine dahil nagmula siya sa ibang bansa (Melbourne, Australia).

Anne turned 36 last Wednesday, February 17 at hindi nagpahuli ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime sa pagbati sa kanya on her birthday gayundin ang iba pa niyang mga kaibigan including Bea Alonzo, Angelica Panganiban, Liz Uy, Georgina Wilson, Raymond Gutierrez at iba pa.

Sa March 2 ay isi-celebrate ng mag-asawang Anne at Erwan ang first birthday ng kanilang baby na si Dahlia Amelie na isinilang sa Melbourne, Australia noong March 2, 2020.

May mga naghihintay na ring projects for Anne ang kanyang mother studio, ang Viva.

RICHARD MERK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with