^

Pang Movies

ABS-CBN, tiyaga muna sa pagiging blocktimer

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hindi lang pala ang Ombudsman na inutusan ni Presidente Digong na mag-imbestiga sa posibleng kasong graft ng ABS-CBN, dahil diumano sa pagkakautang noon sa tax at sa DBP. Sinabi na ng BIR na nagbayad naman ng tax ang ABS-CBN, pero sinasabi nga ng mga kritiko ng network na marami naman silang ginamit na palusot para maiwasan ang pagbabayad ng mas malaking tax. Hindi rin daw nila alam kung bakit “pinatawad” ng DBP ang ABS-CBN sa pagkakautang noon sa bangko ng 1.6 na bilyong piso.

Ngayon, sinasabing muling iimbestigahan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang mga bagay na iyan. Hanggang hindi tapos ang kanilang imbestigasyon, hindi nila tatalakayin ang anumang panukala na magbibigay ng bagong franchise sa network.

Maaaring humaba ang imbestigasyon at hindi na nga mapag-usapan ang mga panukala sa bagong franchise. Mababasura na ang bill ni Congresswoman Vilma Santos. May nagsasabing ginagawa iyan ng Lower House para hindi na umabot doon sa may gagawin silang batas na nagbibigay ng franchise sa ABS-CBN, at tapos hindi rin naman maipapatupad dahil ayaw pumayag ng Presidente na bigyan iyon ng permit to operate, na diretsahan naman niyang sinabi.

Ang mangyayari ngayon sa ABS-CBN ay content producer na lang muna sila. Blocktimer sila sa Zoe TV, at sa TV5. Iyong kanilang Kapamilya Channel ay hindi naman dinadala ng mga maliliit na cable providers na nakalaban nila at siyang mayorya sa mga probinsiya.

In the meantime, kailangang magpatuloy sila ng produksiyon, dahil kung hindi, papaano na ang mga artistang may kontrata pa sa kanila? Mas malaking lugi kung babayaran nila ang mga iyon, at mawawala pa ang kanilang stars.

KC, may payo sa mga magpapabakuna

Maganda ang advice ni KC Concepcion sa mga tao, makipag-usap kayo sa inyong doctor tungkol sa bakuna laban sa COVID-19. Napuna rin kasi niya na napakara­ming ispekulasyon tungkol doon. Marami kasi ang natatakot sa mga nababalita tungkol sa bakuna. May mga lumalabas kasing kuwento tungkol sa mga taong nangamatay matapos na saksakan ng bakuna.

Isa ring katotohanan na ang mga bakunang iyan ay “for emergency use only,” ibig sabihin kung magpapasaksak ka at may mangyari sa iyo, walang mananagot. Eh kung para nga ‘yang Dengvaxia?

Ang sabi nga lang ni KC, sana masiguro ang gagami­ting bakuna. Sana rin daw ang lahat ay mabakunahan nang libre kagaya ng ginagawa sa abroad, dahil marami ang hindi makaka-afford sa mataas na presyo ng bakuna, lalo na ang mga nawalan na ng trabaho dahil sa lockdown. Bagsak nga naman ang ekonomiya. Marami nga ang wala nang makain, uunahin pa ba nila ang bakuna? Baka nga hindi sila mamatay sa COVID pero tigok naman sila sa gutom.

Silahis na male star, nakakulimbat ng halos 1 milyon

Maglilinis-linisan pa ba ang silahis na male star at sabihing hindi niya pinatulan ang bading na nambibintang sa kanyang humingi ng napakalaking halagang umabot ng milyong piso? May ganoon ba katangang bading na maglalabas ng ganoon kalaking halaga kung “wala namang nangyayari”? At saka noong una inaamin naman niyang “pinagbigyan ko naman siya ng ilang beses.” Kaya nga siya binigyan ng pang-down payment para sa kotse niya.

Pero siyempre basta nagsisimula nang umangat ang popularidad, itatago na niya ang mga dati niyang baho. Natural iyon. At saka hindi lang naman iyon ang bading na nag-claim na naging syota siya. May isa ring bading na male model na matagal niyang nakarelasyon, iyon ay noong bata pa siya at kinikilalang “reyna ng mga gay bars sa Malate.”

ABS-CBN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with