^

Pang Movies

Jane, pinabulagta si Cardo

BOZEZ - Vir Gonzales - Pang-masa
Jane, pinabulagta si Cardo
Coco

“When God closes a door, he opens a window,” ganito more or less ang naging suwerte ni Jane de Leon, ang bagong babaeng Darna kuno.

As of now, mukhang malabo pa sa katotohanan kung si Jane nga ang tunay na gaganap na Darna. Muntik na siyang ma-stress noong sunud-sunod ang balitang sumabog na hindi na ito itutuloy, instead ay muling ibabalik si Liza Soberano dahil mas kilala raw ito kay Jane.

Pero balitang ngayong araw ay iaanunsyo na ang pag-uumpisa ng Darna series na mapapanood sa Kapamilya channel.

Sa kasalukuyan ay napapanood si Jane sa FPJ’s Ang Probinsyano na aakalain bang ang karakter niya ang magpapabulagta kay Coco Martin.

Imagine, ilan na bang mga bala ang pinakawalan para subukang tapusin si Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco? Si Darna lang pala ang makakatuldok sa kanyang katapangan.

Wowowin, pulos pera na lang

Ano raw ba naman ang programa ni Willie Revillame na pulos na lang pera ang pinag-uusapan. Very entertaining naman ang show kung saan napapanood ang mga babaeng tumatumbling at mga kumakanta ng pagkalalakas.

Sabagay, sa hirap ng buhay ngayon, totoong maganda sa pandinig ang pera pero sana naman ay wag namang iasa na lang ng mga marami nating kababayan ang kapalaran kay Willie.

La Purisima... nakoronahan na

Noong February 1 kinoronahan ang La Purisima Concepcion de Baliuag sa gitna ng patio ng Baliuag Church after 126 years. Kung hindi dahil sa pamilya Tengco ay hindi ito makokoronahan dahil may kamahalan ang koronang ginto.

Si Hermana Mayor Amy Tengco at mga anak na sina Vicvic at Janina Tengco ang naghandog ng korona. Pero may nakapansin na hanggang sa koronasyon ay nagparamdam ang COVID dahil nang babasahin na ng obispo ng Malolos, Bulacan na si Bishop Dennis Villarojo ang panalangin, biglang nawalan ng kuryente ngunit naibalik din naman. Ayaw talaga ng COVID ng mga nagdarasal para sa ating kaligtasan pero patuloy pa rin natin itong labanan.

Sa February 11 naman magdaraos ng kapistahan ang Our Lady of Lourdes, Patron Saint ng Brgy. Subic, Baliuag, Bulacan. Walang bonggang pagdiriwang dahil bawal pa pero may magaganap na motorcade sa panguguna ng pangulo ng kapistahan na si Mrs. Nora Cruz, Ms. Mae Manzano, Christian Valino at Ronal­do Sauco pati na ang dating pangulong si Joseph Filosopo.

JANE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with