Luis, pinagsisisihan hanggang ngayon ang biniling mamahaling jacket

Luis

Kahit na afford ni Luis Manzano ang bumili ng mga mamahaling gamit, may mga pinanghihinayangan din daw siya sa mga nabibili niya. Kung puwede lang daw niyang ibalik iyon at gamitin niya ang pera sa mas importanteng bagay.

Sa webinar by Manulife titled Ready, Set, #Goals, kinuwento ni Luis ang pagbili niya ng luxury jacket sa New York na pinagsisisihan niyang bilhin.

Kuwento ni Luis na may ginagawa siyang pelikula sa New York nang makita niya ang isang mamahaling jacket sa isang high-end store. “So I saw the jacket, I loved it, I walked in and everyone took care of me right away. So, they gave me food, gave me sandwiches. And it so happened na may iba akong fans na pumunta doon sa store na ‘yon. So, I was there and I had about, you know, six of my tagahangas with me at the store.

“They (the staff) said that jacket, the last piece, was bought by Will.i.am of the Black Eyed Peas. So, I was asking for one size. So, they had one jacket sent over from a different department store.

”When it finally got there, na-realize ko na I never looked at the price. So, could you imagine? So finally when I looked at the price, parang sinundo ako bigla ng mga ninuno ko. Parang I thought oras ko na!

“I heard singing, I saw a bright light. It turns out it was six figures!” tawa pa niya.

Gusto raw umalis na ni Luis sa naturang store, kaso nahiya raw siyang pumuslit. “I was planning on leaving. I was planning on, you know, just sneaking out of the store. Ang dami ko na palang nakain at nainom. Tsaka all my fans were there. So, nakakahiya kung iniwan ko sila bigla.

“I ended up buying that jacket. Used it twice or thrice. It’s a nice jacket, but up to now, pinagsisisihan ko pa rin ‘yan!” tawa pa niya ulit.

Isabelle, pamilya ang trato sa kasambahay

Binigyang importansya ni Isabelle Daza ang kanyang yaya sa pag-publish ng self-authored children’s book na ang title ay Yaya Luning.

Si Yaya Luning ang nag-alaga kay Belle noong bata pa ito hanggang sa naging teenager siya. Kahit na may asawa na si Belle, kasama pa rin niya si Yaya Luning, hindi bilang yaya kundi bilang parte na ng kanilang pamilya.

Sa isang family portrait nila sa bahay, kasama si Yaya Luning dahil hindi na raw ito iba sa kanila.

Kaya tama lang daw na i-dedicate ni Belle ang children’s book niya kay Yaya Luning.

“This book aims to give dignity to the yayas out there who selflessly dedicate their lives caring for their ‘alagas’ / other children and also remind parents that yayas need some love and care as well,” post ni Belle sa Instagram.

Kilala si Belle sa magandang pagtrato nito sa kanilang mga kasambahay. Bukod sa maayos na pagpapasuweldo, may kontrata siya para sa mga ito para malaman nila kung magkano ang kinikita nila sa buong taon.

American actor, nawala ang Oscar trophy

Nawawala pala ang Oscar trophy ng actor-singer na si Jared Leto.

Nanalo si Jared ng Oscar best supporting actor award noong 2014 para sa pagganap niya bilang AIDS-stricken transvestite named Rayon sa pelikulang Dallas Buyers Club.

Sa kuwento ng 49-year old actor sa The Late Late Show with James Corden, na-misplaced daw ang gold statuette niya nang maglipat siya ng bahay sa Los Angeles. “I didn’t know that — I don’t think anyone wanted to tell me. But I had moved houses in LA and then when we moved, it somehow just magically kind of disappeared. It could be somewhere, but everyone’s searched for it high and low.

“I hope it’s in good hands wherever it is. We haven’t seen it for quite some time. It’s not something someone accidentally throws in the trash. I hope someone is taking care of it.”

Show comments