^

Pang Movies

Tony, inatake sa puso habang natutulog

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Unang Manila Film Festival nang ipalabas ang pelikula ni Tony Ferrer na Sabotage. Ang pelikula ang siyang naging top grosser noon, pero higit pa roon, iyon ang kumumbinsi sa marami lalo na sa mga may-ari ng sinehan na ang isang pelikulang Filipino, dahil sa kalidad at box-office potentials ay maaari ngang ipalabas sa isang first run theater na noon ay hawak ng mga pelikulang dayuhan.

Kung dito sa atin noon ay maraming gumaya kay James Bond, ang fictional British secret agent na kilala bilang 007, ang pelikula naman ni Tony Falcon, Agent X44 mula sa Interpol, ang Sabotage, ay ipinalabas sa ilang sinehan sa UK, para patunayang may Pinoy ding kaya ang ginagawa ni James Bond.

Natatandaan namin, napagkuwentuhan namin ng actor na si Eddie Garcia, na siyang nagdirek ng Sabotage, at sinabi niya sa amin noon na iyon ang “pinakamagandang action picture” na naidirek niya.

Doon tinawag si Tony Falcon, Agent X44 mula sa Interpol upang mabawi ang control ng mga dam mula sa mga sindikato. Leading lady niya roon si Miriam Jurado, at ang kontrabida, si Joe Sison. Ang pelikulang iyon ang lalong nagpasikat kay Tony Falcon.

Kaya nga mali ang sinasabi nila na si Tony Ferrer ang “James Bond ng Pilipinas.” Maski na si Mang Tony noong huli naming makausap, hindi happy sa sinasabing ganoon, dahil si Falcon ay hindi kumopya kay Bond, kundi nakipagsabayan.

Una, iba ang tatak ni Agent X44. Matatandaan ding siya ay laging nakasuot ng ternong puti, na makipaglaban man siya ay hindi nadudumihan o nasisira man lang. May isa pang character na siguro isang Tony Ferrer fan lang ang makakaalala, hindi nagugulo ang kanyang buhok.

May mga pagkakataon na nagkakasabay na palabas ang pelikula nina Tony Ferrer at Sean Connery, at may pagkakataon na tinatalo si Connery sa takilya ni Tony kahit na ang nilalabasan ng kanyang mga pelikula ay mas maliliit na sinehan. Sa mga probinsiya, uso pa noon ang mga sinehan na ang palabas double program, at doon lalong pinadadapa ni Tony Ferrer ang mga pelikulang Ingles. Tagalog ang gusto sa probinsiya.

Bagama’t may ilang pagkakataon ding nanalo siya ng award bilang best actor, si Mang Tony noon ay kilala bilang isang box office superstar at isa siya sa mga artistang napakaraming pelikulang ginagawa. Ang nakatalo lang kay Mang Tony, si Papang Chiquito na nakagawa ng 19 na pelikula sa isang taon. Nagsimula si Mang Tony na kasa-kasama sa mga pelikula ni FPJ, at noong 1964 lang siya na­ging solong bida sa pelikulang Markong Bagsik na ginawa ni director Manding Garces. Leading lady niya si Divina Valencia. Bagama’t kilala bilang action star, nanalong best actor si Mang Tony noong 1970 sa Quezon City Film Festival sa pelikulang Sapagkat Sila’y Aming Mga Anak na ginawa ni director Armando de Guzman. Partner niya sa pelikula si Boots Anson Roa kasama si Ate Vi na ang ka-love team  noon ay si Edgar Mortiz.

Pero wala na rin nga si Mang Tony, hindi na siya nagising noong Sabado ng umaga. Inatake siya sa puso sa kanyang pagtulog. Yumao siya sa edad na 86 sa kanyang tahanan sa Pasig, kapiling ang kanyang pamilya. May anak siya sa aktres na si Imelda Ilanan, si Maricel Laxa. May naging dalawang anak siya sa dating beauty queen at aktres ding si Alice Crisostomo, sina Mutya at Falcon. May isa rin siyang anak, si Mark, sa ngayon ay partner niyang non-showbiz na si Pinky Poblete.

TONY FERRER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with