Aminado ang apat na bida ng action-comedy movie na Steal na sina Ella Cruz, Meg Imperial, Jennifer Lee at Nathalie Hart na marami umano silang natutunan sa kanilang two-week shooting sa Japan bago pa man ang pandemya.
Since wala umano silang chaperone at alalay sa Japan, natuto umano silang maging independent at magtipid ng budget. Sila-sila rin ang nagmi-make up sa kanilang mga sarili before the shoot. Pero ang maganda, naging close sila, nagtulungan at nagsuportahan sila sa isa’t isa habang sila’y nasa Japan kahit magkakaiba ang kanilang personalidad.
Tiniis din umano nila ang sobrang lamig dahil wintertime nang gawin nila ang pelikula noong February last year na dinirek ni Bona Fajardo ng BluArt Productions in cooperation with Viva Films.
Ang Steal ang kauna-unahang pelikula na magkakasama sina Ella, Meg, Jennifer at Nathalie.
“Ang maganda, walang pa-star at nag-attitude sa aming apat,” ani Meg.
Ang Steal ay nakatakdang ipalabas sa mga piling-piling sinehan bukas na, January 22 at naka-line-up na rin sa Vivamax streaming platform ng Viva.
Paglabas ng mga programa ng Kapamilya sa TV5, ‘di inasahan
Alam mo, Salve A., ang tila imposibleng mangyari noon sa TV industry ay nangyayari na ngayon.
In-imagine mo ba na mapapanood ang programa ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11? Mas lalo kang maa-amaze na mapapanood na rin ang ilang mga programa ng Kapamilya Channel sa TV5 na hindi mo iisiping magiging posible.
Dahil sa bagong kolaborasyon ng ABS-CBN, ng Cignal na sister company ng TV5 at ng Brightlight Productions ni G. Albee Benitez, mapapanood na rin sa Kapatid Network ang mga programang kinaaaliwan ng mga manonood tulad ng Sunday musical show na ASAP Natin `To, maging ang mga pelikula ni FPJ, ang FPJ: Da King.
Claudia, may mga gustong makatrabaho
Ang 21-year-old younger sister ni Julia Barretto na si Claudia Barretto ang pinakabagong contractee ng Viva Artists Agency.
Although music – singing and songwriting talaga ang passion ni Julia from the very start of her career, ngayon ay bukas na siya sa iba pang possibilities tulad ng acting na ipagkakatiwala sa kanya ng Viva na siyang mangangalaga ng kanyang career ngayon.
Bukas din si Claudia sa posibilidad na magkatrabaho sila ni Julia sa isang film project. Pero kanyang ini-emphasize na singing and songwriting talaga ang priority niya more than acting.
“I don’t even know if I can act,” patuloy niya.
Sa ganda ni Claudia, nakapanghihinayang kung hindi siya susubok sa acting lalo pa’t sa field na ito nagsimula ang kanyang estranged parents na sina Dennis Padilla at Marjorie Barretto, her aunts na sina Gretchen at Claudine Barretto, cousin Cholo Barretto and sister Julia.
Since Viva owns Viva Records, recording muna ang hinarap ni Claudia at willing din umano to collaborate with other OPM artists at kasama na rito ang kaibigan niyang si Moira dela Torre.
Since hindi pa `showbiz’ si Claudia, nakahanda na kaya siya sa pagharap sa matitinding kontrobersiya na puwede niyang kaharapin balang araw? “I’m just being honest. I won’t be making mistakes,” aniya.
Hindi ikinakaila ni Claudia na kinakabahan din umano siya pero mas excited at motivated siya ngayon.