Sala-salabat na ang kuwento tungkol sa pagri-resign ni Ali Sotto sa programa nila ni Arnold Clavio sa DZBB.
Iyon kuwento ng sibuyas, parang tip of the iceberg lang dahil hindi naman siguro ganun ka petty ang management para ito ang maging dahilan ng pagri-resign ni Ali Sotto after ng matagal na niyang pagiging anchor sa istasyon.
Maaari na work fatigue ang dahilan, baka medyo gusto na ni Ali ng new environment at gusto rin ma-try ang ibang scenery.
Hindi naman kasi bread and butter ni Ali Sotto ang radyo o anuman trabaho kasi nga maganda naman ang income ng asawa niyang si Omar at on her own, kaya ni Ali ang mabuhay ng masagana.
Pero passion niya talaga ang public service, at ang radio work niya ang talagang pinaka-magandang outlet para sa kanya. Sayang talaga iyon magandang tandem nila ni Arnold, sayang din iyon matagal niyang naging trabaho sa DZBB. Pero siguro naman dahil sa mahusay niyang record sa trabaho, madali para kay Ali ang magkaroon ng bagong radio program at show.
Kaya surely, hindi magtatagal, ito na, maririnig na natin uli ang kanyang boses sa radyo.
Nagpahinga lang sandali, nag-zumba, tapos balik-trabaho na. Ok Ali Sotto, give kita 10 kilo ng sibuyas ha, para huwag ka nang bumili, joke joke. hahaha.
Happy Birthday...
Naku Salve hah, type pa ni Gorgy Rula na ang birthday niya gawin sa Obra ni Nanay dahil tapat sa birthday niya ang Tuesday show ng Take It... Per Minute, Me Ganun. Pero dahil bawal ang gathering ng more than 10 baka magalit ang barangay, kaya sa Japanese resto na lang ni Allan K na Koban niya gagawin ang celebration niya.
Alam mo naman si Gorgy, sure na invite niya si Bong Revilla, Alfred Vargas, Benjie Paras, sa kanyang lunch party. At tulad ng dati, andiyan tayo nila Mr. Fu at sure na meron siyang painting from Cristy.
Bongga si Gorgy dahil nag-iipon siya tuwing birthday niya para lagi siya makapag bigay ng lunch for his friends at magkaroon ng fundraising para sa kanyang maraming ‘charity’ projects at scholarship program. Hahaha. Happy 60th birthday Gorgy.