Ikinagulat ng marami kahapon ang pagpanaw ng kapatid nina Robin Padilla, BB Gandanghari (dating Rustom Padilla), at Rommel Padilla na si Royette Padilla, 58 years old.
Nakumpirma ito sa Facebook post ng sister nilang si Rebecca Padilla na “Pls whisper a prayer for our brother Royette Padilla . A silent prayer for his eternal peace, please.”
Though hindi active sa showbiz si Royette, last Christmas lang kasi ay nag-post pa ito ng “This is my happiest Christmas because the most wonderful mom mamaeva in the world has fully recovered from her illness and beautiful again as ever! Merry Christmas everyone and to all your loved ones and specially to all my friends here in FB.”
Maging ang Facebook friends niya ay gulat dahil nga lately ay active raw ito sa pagpo-post sa kanyang social media account particular na sa FB.
Wala pang post si Robin tungkol sa kapatid. Maging si BB Ganghari ay hindi pa rin nagre-react tungkol dito.
May mga kontrobersiyang kinasangkutan noon si Royette lalo na nang sabiihin niyang “brigadier general” siya ng H-World United Nations Philippine Military Government International Police Commission.