^

Pang Movies

Pinoy culture lutang sa Nickelodeon

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Naglagay ng Pinoy touch ang Filipino-American artist na si Princess Bizares sa mga project niya sa Nickelodeon Animation Studios.

Bago naging illustrator, nagtrabaho si Princess bilang production assistant.

Summa Cum Laude si Princess sa California State University Fullerton with a Bachelor’s degree in Fine Arts in Illustration in 2018. Bago siya nagtrabaho sa Nickelodeon, nagtrabaho rin siya sa ilang animation studios tulad ng Cartoon Network, Warner Brothers and Papercutz.

Ang kanyang artworks for Nickelodeon ay influenced ng Filipino culture kung saan siya pinanganak at lumaki. Nag-migrate ang kanilang pamilya sa US when she was six years old. Sa Batangas daw sila noon pumupunta kaya nasa alaala pa niya ang rich urban images ng naturang probinsya.

“It was great experiencing life in the province as well as in the city. I illustrate images depicting Filipino life and culture because these images are the things that tie me back to who I am. A lot of what I’ve painted is inspired by a memory I’ve experienced as a kid, whether it be going to the ‘palengke’ with my Lola or being chased by chickens on my maternal grandparents’ yard.”

Kaya sa mga illustrations ni Princess for Nickelodeon, makikita ang national symbols ng Pilipinas tulad ng Nipa hut or bahay-kubo na pinapaligiran ng banana and coconut trees, carabao sa palayan, fully-loaded jeepney at mga mangga na binebenta sa palengke. Makikita rin ang walis tingting, wooden rocking chair sa terrace, kariton (wooden cart) sa kalsada, at mga sako ng bigas sa sahig.

Richard, babawi

Hindi nahiyang aminin ng bagong Kapuso star na si Richard Yap na malaki ang naging epekto ng COVID-19 pandemic sa kanyang mga negosyo.

Mabuti na lang daw at may naitago siyang malaking savings na ginamit na panggastos ng kanyang pamilya noong mga buwan na wala siyang trabaho at walang kita ang mga negosyo niya. Kaya payo ng 53-year old actor sa mga kapwa artista niya na matutong i-manage ang kanilang finances at pigilan ang sarili na gumastos sa mga unnecessary luxury items.

“These are things that we can do without. Stick with the basics, stick with the good quality stuff maybe. Hindi kailangan na gumastos ka in things like these because at the end of it all hindi mo rin kailangan,” diin ni Richard.

Babawi si Richard this year dahil sa mga magiging projects niya sa GMA 7. “I plan to back to working really hard this 2021 because 2020 was really…wala talaga. There was no work, business was so bad. So we want to make up for 2020 and do everything that we can in 2021.”

Mapapanood si Richard sa first guesting niya sa GMA 7 via Dear Uge Presents “Jing, Ang Bato” with Eugene Domingo. Sunod naman siyang lalabas sa The Boobay And Tekla Show.

NICKELODEON CHANNEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with