Mang Kepweng suwerte kay Vhong
Siguro fan ng Mang Kepweng character si Mayor Enrico Roque. Kasi unang pelikula ng production niya, si Vhong Navarro rin bilang Mang Kepweng. Now ang festival entry niya with Vhong again, Mang Kepweng ulit.
Bata pa si Mayor Enrico Roque nang ilabas ang movie na si Chiquito ang bida, siguro nga tumatak iyon sa utak niya kaya heto, nang mag-produce siya ng pelikula, ‘yung character na iyon ang gustung-gusto niyang gawing movie. Hit noon at ngayon ang Mang Kepweng niya, at ang suwerte ni Vhong na siya ang laging kinukuha na gumanap sa role.
Isang mahusay na komedyante at very professional na artista, kaya siguro paborito rin ni Mayor Enrico si Vhong.
K-drama na Start-Up, maraming naituro tungkol sa puso
May isang line ‘yung lola sa K-drama series na Start-Up ang tumatak sa utak ko. ‘Yung sinabi niya kay Mr. Han Ji-pyeong (Kim Seon-ho) na huwag mo nang dagdagan pa ang kalungkutan na nasa puso mo. ‘Yung gawin mong maliwanag ang utak mo, mas matibay ang puso mo para huwag nang madagdagan pa ang lungkot na napi-feel mo.
I don’t know kung hanggang saan ang degree ng sadness para sa isang tao, I don’t know kung hanggang saan ang breaking point mo para bumigay ka sa nadarama mong sadness. But usually ‘yung feeling of emptiness in you is what makes you feel sad.
Don’t let that empty feeling bugs you down, you only feel that way ‘pag nawala na ang motivation sa iyo, so dapat lagi kang may goal, para laging merong challenge for you to move forward.
Sabi nga, hindi lang fame, money o success ang dream ng isang tao, puwede rin na ang dream niya is to find one to be beside him/her. Basta, follow your heart, listen to it, kung saan ka niya dalhin ay doon ka. Mas madalas, ‘yung sinasabi ng puso ang mas matimbang sa gusto ng utak mo.
Follow what your heart wants, it will erase your sadness. It will fill your emptiness. Happy New Year.
- Latest