Tunay na Buhay may Year-End Special

MANILA, Philippines — Ngayong Miyerkules, samahan si Pia Arcangel na magbalik-tanaw sa nagdaang taon sa Tunay na Buhay.

Sa simula pa lang ng 2020, agad tayong sinalubong ng pagputok ng Taal Volcano. Sino ang mag-aakala na may mas malaki pang pasabog na paparatingang COVID-19 pandemic na bumago sa ating buhay?

Pero sa kabila ng mga pagsubok, patuloy ang buhay. At masuwerte ang mga manonood na naibahagi sa kanila ang mga kuwento ng celebrities na nagsisimula ng panibagong yugto sa kanilang buhay. Nariyan din ang kuwento ng mga ordinaryong tao na mas piniling maging malakas at hindi sumuko sa harap ng mga hamon at pagbabagong dumating.

Panoorin ang Tunay na Buhay Year-End Special ngayong Miyerkules, 10:30 p.m. pagkatapos ng State of the Nation sa GMA News TV.

Show comments