Helen, ‘di nagbabago

Helen Gamboa at Tito Sotto

Tuwang-tuwa ako nang tumawag ang PA ni ­Helen Gamboa-Sotto. For the longest time, hindi kami nagkaroon ng communication at hindi nagkikita. Pero doon sa few times na nagkita kami, nandu’n pa rin ang warmth at sweetness na typical Helen Gamboa-Sotto.

Si Helen yata ang pinaka-ace sa sleeves ni Sen. Tito Sotto, dahil talagang magmula noon up to now, ‘yung pagiging sweet nito sa tao ay hindi nagbago.

Kahit na nga pumasok sa pulitika si Tito Sen, talagang nanatili si Helen sa pagiging very close sa showbiz friends niya, at para huwag mainip paminsan-minsan ay lumalabas sa TV at pelikula.

Now meron siyang cooking show na bagay sa kanya dahil kilala siyang isang mahusay na cook.

Kaya nang tawagan ako ng PA niya, natuwa ako knowing hindi pa pala niya ako nalilimutan at itinuturing pa ring old friend.

Mga ‘di makapag-shopping sa abroad, sa online na lang namimili

Birthday pala ni Ronite, ang favorite personal shopper ng maraming sosyal at celebs. Usually ‘pag December-born daw ang birthday celebrant, mga cool headed at laging maganda ang mood nito. Kaya pala nasa buy and sell business si Ronite, dahil ganu’n ang ugali niya, smile smile lang, hindi umiinit ulo at very generous ha.

Lagi niya tayong binibigyan ng mga giveaway niya, at lagi na pinakamababa ang price niya para kay Salve at Lynette. Bongga siya dahil client na rin niya ang favorite niya na si Kris Aquino. Plus hindi naapektuhan ng pandemic ang business niya, in fact natuwa siya dahil bihira na ang nakakapag-abroad kaya sa kanya na lang bumibili.

Happy birthday, Ronite, at kahit hindi ako mag-buy sa iyo, natutuwa naman ako na makilala ka, dahil very thoughtful ka. Be happy on your special day. 

Show comments