Private plane ni Albee ginagamit na comeback ni John Lloyd sa TV5, in the bag na

Obviously, in the bag na project ni John Lloyd Cruz sa TV5 through Brightlight Productions ni former Cong. Albee Benitez.
Pinagagamit na pala ng dating kongresista ang kanyang private plane sa aktor ‘pag sinusundo nito ang anak na si Elias sa Cebu kung saan ito nakatira kasama ang inang si Ellen Adarna. Though co-parenting ang set-up nila.
Nagkaayos na raw sina John Lloyd at Ellen kaya mabilis na ngayong nahihiram ng actor ang anak sa dating sexy star na may gagawin ding project sa TV5 with John Estrada.
Bagama’t wala pang final agreement / commitment sa Brightlight ang nagbabalik-showbiz na actor, marami nang na-i-pitch na project ang kumpanya ni Albee. “May possibility na sitcom, drama, movie and all those things. Hinihintay na lang natin ‘yung magiging final decision niya,” banggit ng dating pulitiko nang makausap namin last week.
TV personality todo ang paniningil sa mga post
Mahal pala ang charge ng isang TV personality sa mga gustong magpa-post sa kanyang social media accounts.
As in per post diumano ay P50K, pinaka-cheap na ‘yun.
Yes, ganun na raw.
Kung sabagay, ito ang bagong hanap-buhay ng mga artista sa kasalukuyan. Ang social media.
Lalo na ‘yung mga milyones ang followers, mahal na ang charge per post.
Samantalang ang mga non-influencer, kahit nagbayad ng mga binili nila, todo-post para lang may mailaman sa social media accounts nila.
Hahahaha.
- Latest