Nora at Cong. Vilma, magkasalungat ang selebrasyon ng Pasko
Magkaiba ang feeling ng dalawang giant stars na sina Superstar Nora Aunor at Star for All Seasons Cong. Vilma Santos ngayong darating na Pasko. Masaya si Ate Vi dahil malapit na siyang magkaapo kina Luis at Jessy na ikakasal pero hindi pa buntis, samantalang malungkot naman si Ate Guy dahil hindi sila magkasundo-sundo ng kanyang mga anak dahil sa isang bagay, na hindi kayang ibigay ng kanyang mga anak ang matagal na niyang hinahanap na kaligayahan.
Naku sana naman magkasundo-sundo na sila para naman maging memorable ang Christmas nila ngayong 2020 sa gitna ng COVID attack.
Ivana, bagong burlesk queen
Masuwerte si Ivana Alawi dahil sa pagkakapili sa kanya bilang bida sa gagawing pelikula ni Joed Serrano na Anak ng Burlesk Queen. Bagay na bagay naman kay Ivana ang papel dahil napakaseksi niya at bukod pa roon ay mahusay sa aktingan.
Dapat lang na maging masaya si Ivana sa pagpayag ni Ate Vi sa kanyang pagganap na bida sa remake ng pelikula na masasabing tunay na karangalan.
Napansin daw ni Joed si Ivana noong makita ang dalaga sa isang event, na elder sister ng child star ng GMA na si Mona Louise Rey na bumida sa teleseryeng Munting Heredera noon.
Amanda, ayaw pagtaguan ang mga inaanak
Mahirap man ang sitwasyon ngayon ay tuloy lang ang pamimigay ng Pamasko ni Amanda Amores sa mga inaanak. Sabi nga ni Amanda ay ngayon pa bang taghirap saka niya pagkakaitan ang mga inaanak?
Busy ang dating aktres sa pag-aayos ng ayudang panregalo sa kanyang nasasakupang barangay bilang lady president ng Barangay Sto. Domingo kaya takbuhan ng mga nangangailangan. Kapitana ng barangay ang anak niyang si Michelle Yu at tumutulong sa pamamahagi ng ayuda.
Unang beses ngayong taon lamang sila hindi makakapag-celebrate ng Pasko sa ibang bansa dahil every year ay sa abroad nila ito ginagawa.
Bakuna galing China, kinatatakutan
Ano ba yan, bakit mukhang uunahin pang bilhin ang bakunang gawa sa China kesa America, England at Russia?
‘Yan ang tanong ng netizens na bakit daw natin mas pipiliin ang bakunang galing China kung saan din nagmula ang nakamamatay na COVID-19 sa Wuhan?
Nahihiwagaan ang marami at puno ng katanungan na dapat sagutin ng gobyerno bago bilhin ang pangturok kontra-COVID.
Marami na ang natatakot magpabakuna magmula nang maganap ang napabalitang sanhi ng pagkamatay ng marami dulot ng Dengvaxia vaccine kaya nag-iingat na ang karamihan ngayon.
- Latest