Ang ganda ng ipinakitang behind the scenes ng Magikland sa atin kahapon ni Papa Albee Benitez. Bongga ang pagkakagawa at talagang manghihinayang ka na hindi sa big screen ito ipalalabas sa MMFF. Napakalaki ng production na alam mo na talagang buhos ang gastos, hindi tinipid, at kung sa big screen mo panonoorin, sulit sana talaga.
Kung umabot ito noong hindi pa pandemic at isinali sa festival, tiyak mo na lalaban nang husto sa mga kalaban dahil pambata at grabe ang ganda ng animation.
Masasabik ka tuloy makita ang Magikland ng Silay dahil nga sa movie, at ang games sa phone, tiyak na exciting para sa mga bata. Lahat nga nagsabi na talagang sure winner ito sa takilya, dahil talagang bata ang target audience na siya naman talagang nanonood ‘pag festival.
Hay naku, kahit sa online, virtual o anumang format, mag-i-enjoy ang lahat sa Magikland. Good project ito ng Brightlight Productions ni Papa Albee Benitez.
Mga luto ng bagets, patok na Pamasko
Wonderful kid naman ni Shirley Kuan, Salve. Imagine yung gifts niya this Christmas ay gawa ng anak niyang si Nyle ang napakasarap na cake na African ang recipe. Bongga talaga ‘pag kagaya mo na merong Aries at si Cristy Fermin na merong Chammy na marunong mag-bake, talagang malaking bagay sa mga ganitong okasyon.
At in fairness, ang sasarap ng mga ginagawa nilang pastries ha, siyempre pa na ang taste buds ng mga bagets ay kakaiba sa mga tulad kong oldies, kaya naman sarap na sarap ako.
Bongga at very nice ang packaging ni Shirley, talagang may pagkasosyal, ang suwerte talaga niya sa anak na si Nyle. Inggit ako dahil matakaw ako sa pastries pero wala akong mga anak na mahusay mag-bake tulad nina Nyle, Chammy at Aries.
Merry Pasko, Shirley, ang sarap talaga, magiging Donya Shirley ka na, hah hah.