Hindi mapigilan ni John “Sweet” Lapus na matawa nang bongga nang may mga netizen na magtanong kung nagparetoke ba ito ng mukha?
Tinutukoy ng netizens ang pinost ni Sweet na photo sa Instagram kung saan flawless ang kanyang mukha. Pinabulaanan niya ang retoke issue at proper makeup at lighting lang daw iyon. “Mga bakla okray! Ang tagal ko na kasi hindi nakikita ang ibang mga friends ko at anak-anakang bakla. Ayun niloloko nila ako na nagparetoke base on my latest pic that I took here in Laguna for our lock-in taping for Paano Ang Pasko?
“Kaya mga anak naka-lock-in taping ang Mama sa Laguna. Hindi ako nagparetoke!” tawa pa ni Sweet.
Malaking tulong din daw sa maaliwalas na mukha ni Sweet ngayon ay ang mapasama siya sa teleserye na Paano Ang Pasko? ng TV5 at Idea First. Dahil daw sa biyaya na ito, nawala ang matinding anxiety na naramdaman ni Sweet noong magkaroon ng lockdown at magsara ang ABS-CBN. “Malaking factor ang muling pagsigla ng TV5. Maraming artista ang nawalan ng trabaho kasama na ako doon. Malaking asset sa TV5 ang pag-co-produce/blocktime ng Idea First, Brightlight, Quantum at iba pang independent producers,” sey ni Sweet.
Naging suki na si Sweet ng TV5. Ilan sa mga nagawa niyang shows ay ang Blind Item, Sing-Galing, Talentadong Pinoy, Tasya Fantasya at Mac & Chiz.
Abala rin si Sweet sa kanyang YouTube vlog na Korek Ka John TV kung saan may segment siya na Gusto Mo Ba Mag-Artista?.
Nar Cabico, nasa US pa rin kasama ang husband
Nagpasalamat ang Kapuso singer-comedian na si Nar Cabico sa FAMAS dahil sa natanggap niyang nomination for Best Actor.
Nominated si Nar para sa pelikulang Akin Ang Korona kung saan nanalo siya bilang best actor sa Sinag Maynila Film Festival last year.
Co-nominees ni Nar for best actor ay sina Alden Richards (Hello, Love, Goodbye), Elijah Canlas (Kalel, 15); Jansen Magpusao (John Denver Trending); Kristoffer King (Verdict) at Gold Azeron (Metamorphosis).
Kasalukuyang nasa US si Nar kasama ang kanyang husband simula noong magkaroon ng COVID-19 pandemic. Happy si Nar dahil tuluy-tuloy daw ang trabaho niya bilang singer sa iba’t ibang venues sa US.
Kylie Jenner, tinupad ang winter wonderland sa mansion para sa anak
Hindi dahilan ang pandemic para hindi matupad ang pangako na Winter Wonderland ni Kylie Jenner sa kanyang anak na si Stormi Webster.
Sa post ng reality star-turned-make-up mogul sa Instagram, pina-transform niya ang kanyang mansion into winter wonderland with snow, white decorated lights and neutral toned ornaments in white, tan and beige colors.
May two big white stockings din sa fireplace at four life-like white polar bears in various sizes sa living room para ma-achieve ang North Pole vibe. “We did these ornaments to match all the colors and textures in this room. I love how it turned out. So pretty,” sey ni Kylie.