Bongga naman ng Toktok. At least meron na namang commercial na magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza.
Talagang iba ang chemistry ng dalawa, iba ang dating, kaya kahit walang romantic angle heto, pinagsama pa rin sa commercial ng Toktok.
Honestly, hindi ko pa alam kung ano ang merchandise na ito, pero nai-excite na ako ha. Parang Christmas gift na nila ito sa fans nila na hanggang ngayon solid pa rin sa AlDub.
Bongga talaga ang dalawa, kahit sabihin mo pang hindi romantic ang naging kapalaran ng loveteam nila, click pa rin at nandun ang magic. Toktok talaga, hah hah hah.
Mga artistang wala pang sungay, puwede nang pasikatin
Magandang chance ngayon para bigyan ng mga project ang baguhang stars. Kasi nga, parang ‘yung programs sa TV, hayun, at panonoorin mo kahit sino pa ang artista. Maglagay ka lang ng supports na medyo kilala, tapos isalang mo ang rookie stars, sure na mapapanood sila.
Magkakaroon nga lang ng kulang sa publicity, pero ‘pag napansin at itanong ng manonood kung “sino ba iyon?” “Ano ba name ng artistang iyon?” Makuha lang nila ang attention ng viewers, iyon na ang umpisa. Forced to good na lahat ng shows na mapapanood mo dahil maghapon kang nasa bahay at walang ginagawa.
Ngayon, ang time to launch those stars na nakaburo lang, ‘pag napansin ay bigyan agad ng break, magiging pandemic stars agad sila. At ngayon din ang chance ng mga baguhan na wala pang ere, payag sa lahat ng protocols, wala pang glam team at hindi maraming demands.
Build new stars now para madagdagan ang listahan, at itong mga bago, turuan nang maayos na pag-handle ng career, walang maraming alalay, walang glam team at sariling sikap sa shooting. Bongga iyan, mawawala ang mga maarte at makyemeng stars na nasanay sa pagiging spoiled sa shooting.