^

Pang Movies

Snooky, adbokasiya na ang pagtulong sa may depresyon

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Snooky, adbokasiya na ang pagtulong sa may depresyon
Snooky

Former child superstar Snooky Serna is currently celebrating her 50th year in showbiz. She was 2-1/2 years old nang siya’y magsimula sa industriya sa pamamagitan ng pelikulang Wanted: Perfect Mother na dinirek ng yumaong premyadong director na si Lino Brocka noong 1970.

After two failed marriages (with Ricardo Cepeda and Niño Mendoza), umaasa ang award-winning actress na sana’y magtagal na ang kanyang relasyon sa kanyang present partner, ang businessman at dating politician na si Ramon Villarama.

Si Snooky ay may dalalawang grown-up daughters sa kanyang first husband, ang actor na si Ricardo Cepeda, sina Sachi at Samantha na pareho nang tapos sa kanilang pag-aaral.

Hindi ikinakaila ng actress na if there is one particular movie na may connection sa kanyang totoong buhay, ito ay ang award-winning movie na Kapag Napagod ang Puso na pinagtambalan nila ni Christopher de Leon mula sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes at ipinalabas noong 1988 at nakapagbigay sa kanya ng kanyang first Gawad Urian trophy.

Dahil sa pandemya, inamin ni Snooky na kamuntik na umano siyang mag-quit sa showbiz but changed her mind nang malaman niyang doable naman pala ang kanyang trabaho bilang actress sa tinatawag na ‘new normal’ situation.

Unknown to many, personal na inamin sa amin ng aktres na 20 taon na umano niyang nilalabanan ang kanyang pagiging bipolar at pagdaan sa depression sa tulong ng isang kaibigang psychiatrist na nagsimula when she was a teenager.

Dahil dito, naging adbokasiya na ni Snooky ang pagtulong sa mga taong dumaraan sa depression na ayon sa kanya ay kailangan ng family support gayundin din ang suporta ng mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay. Ang Psychiatric treatment, advise or assistance ay mahalaga rin.

Samantala, si Snooky ay napapanood regularly sa TV series ng GMA, ang TV remake ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na ang original movie project in 1980s ay magkasama sila ni Maricel Soriano with Gloria Romero and the late Nida Blanca.

Zanjoe, lutang ang husay sa Bahaghari…

Tiyak na ipagmamalaki ni Zanjoe Marudo ang pelikulang May Isa Pang Bahaghari na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan at pinagbidahan ng mga award-winning actors na sina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa. Ito’y isa sa 10 official entries ng first virtual film festival ng Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko ngayong taon, December 25, at magtatapos sa January 7, 2021.

Lutang ang acting na ipinakita ni Zanjoe bilang panganay na anak nina Lumen (Nora) at Domingo (Phillip) na si Andy.

Saludo rin kami sa acting ni Michael na siyang gumanap sa papel na Rhey, ang gay best friend nina Lumen - Nora at Dom - Phillip - pero may pagtatangi sa huli.

Alam mo, Salve A., pinilit kong huwag umiyak habang tumatakbo ang screening ng pelikula pero hindi na namin napigilan ang pagtulo ng aming luha sa ending ng movie.

Ultimo si Ipe (Phillip Salvador) ay napaiyak din sa sarili niyang pelikula.

Princess, nanganak na sa unica hija

Thirty five-year-old OPM acoustic singer and GMA Music artist Princess Velasco gave birth to her third baby and only daughter na si Sara Bella sa husband niya of seven years na si Mark Herbert Rosario last Tuesday.

Ang panganay ng mag-asawa ay si Kobe (5) na sinundan ni Milo (2).

Si Princess ay dating kasama sa ASAP Sessionistas ng ABS-CBN na kinabibilangan dati nina Ice Seguerra, Sitti Navarro, Juris Fernandez, Nyoy Volante, Richard Poon, Kean Cipriano at iba pa bago siya lumipat ng GMA Music noong isang taon.

vuukle comment

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with